Bawal na ring mag-post sa Tiktok, FB, etc… ANJO, PINAGBABAYAD NG P3.5 M SA PANINIRA SA TVJ
- BULGAR

- 2 hours ago
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 1, 2026

Photo: File
Pinagbabayad ng korte ng P3.5 milyon ang TV host-comedian na si Anjo Yllana bilang danyos sa paninira nito sa TVJ ng Eat…Bulaga! at sa TVJ Productions.
Sa inilabas na desisyon ng Branch 279 ng Mandaluyong City RTC (Regional Trial Court), pinagbabayad ang dating Eat… Bulaga! co-host ng kabuuang P3.5 M bilang danyos-perhuwisyo sa pagkakalat nito ng maling impormasyon sa kanyang Tiktok account tungkol sa mga pangunahing hosts ng TV5 noontime show na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.
Batay sa inilabas na desisyon nu'ng June 29, 2026 kaugnay ng petition for permanent injunction na isinampa ng TVJ Productions, napatunayan umano na may basehan ang reklamo laban kay Anjo dahil sa paninira nito hindi lang sa TVJ kundi maging sa TVJ Productions.
Naglabas na ang korte ng permanent injunction na nagbabawal kay Anjo para makapag-post pa uli o makapag-share, makapag-live o mag-upload sa Tiktok at iba pang social media platforms ng mga mapanirang pahayag.
Ayon pa sa korte, bagama’t may kalayaan ang bawat isa na mag-post sa social media ng ating saloobin, hindi ito nagbibigay ng karapatan para manira ng ibang tao.
Samantala, naglabas na rin ng statement ang TVJ Productions sa kanilang Facebook page at anila, “We welcomed the Court’s Decision as a definitive vindication of the integrity of Eat… Bulaga!, its hosts, and its management, and of the decades of trust that generations of viewers have placed in the program.”
Dagdag pa ng TVJ Productions, “The Court’s Decision stands as a stern warning that social media cannot be used recklessly to destroy the rights of others.”
Just to refresh your memory, ito ang ilang binitiwang pahayag ni Anjo Yllana sa kanyang Tiktok live noon na naging ugat ng petition for permanent injunction na isinampa laban sa kanya ng TVJ Productions:
“Ilang taon na lang, eh, ilalantad ko na kung ano talaga ang nangyari diyan sa Eat… Bulaga!.
Oy, hindi ako takot sa TVJ! Ano’ng pinagsasabi n’yo?
“Si Director Bert De Leon, mula 1979 ay direktor ng Eat… Bulaga!. Bago siya mamatay, umiyak siya sa akin kasi pinagsasaksak siya sa likod — siniraan siya para matanggal siya bilang director.
“Pati asawa niya na naiwan, umiyak din sa akin dahil winalanghiya siya.
“Oo, pinlano! Kaya nga may sindikato diyan sa Eat… Bulaga!. Masasama ang ibang tao diyan.”
Bukas ang aming pahina para sa panig ni Anjo Yllana.
IKINAGAGALAK ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na sa loob ng tatlong magkakasunod na taon, nagsisilbing tahanan nito ang Grand Ballroom ng Marriott Hotel sa Newport World Resorts sa Pasay City para sa taunang The Entertainment Editors Choice o The Eddys.
Noong Hulyo 7, 2024 unang ginanap sa Marriott ang ika-pitong edisyon ng The Eddys, na nasundan nu’ng Hulyo 20, 2025 na dinagsa ng maraming artista at mga bumubuo ng pelikula na pinarangalan para sa kanilang mga kontribusyon at galing na naibahagi para maging masigla ang mga pelikulang Pilipino.
Sa ika-walong edisyon din ng The Eddys kung saan pinarangalan ang mga Icons ng pelikulang Pilipino na kinabibilangan nina Laurice Guillen, Odette Khan, Perla Bautista, Pen Medina, Rosemarie Gil, Eddie Mesa, at Kidlat Tahimik, nasaksihan din ng mga dumalo sa malaking event ang pagiging paboloso ng Marriott Grand Ballroom, kung saan ginanap ang ilan sa mga makasaysayang selebrasyon sa bansa, mapasa-mundo ng pelikula, sports, malalaking conferences, exhibition at kung anu-ano pang remarkable events.
Ngayong taon, magbabalik ang SPEEd sa Marriott Grand Ballroom sa Hulyo 5 (Sunday) para sa engrandeng 9th The Eddys kung saan inaasahan ang pagdalo ng naglalakihang bituin at mga mahahalagang tao sa movie industry.
Nakilala ang Newport World Resorts bilang isa sa mga nangungunang destinasyon ng bansa. Dahil sa pillarless na disenyo nito, nagtataasang kisame, at advanced na acoustics, pinipili itong maging venue para sa mga grand production at milestone celebration, kabilang ang Marry Me at Marriott Philippine Gratus Gala, isang bridal fashion event para sa industriya ng kasal at hospitality industries.





Comments