top of page

Bawal magpabongga… HEART, ‘DI NAIDISPLEY ANG MGA ALAHAS SA SONA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 30, 2025
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | July 30, 2025



Image: Heart Evangelista - IG


Dalawang gowns pala ang isinuot ni Heart Evangelista sa SONA ni President  Bongbong Marcos at ang kapuna-puna, wala siyang masyadong suot na jewelry. Isang singsing lang ang nakita ng mga netizens na suot niya sa left finger at wedding ring pa yata.


‘Yung dating marami niyang suot na earrings, dalawa lang ang suot at wala siyang necklace. Minimal din ang make-up ni Heart at comment nga ng mga netizens, sumunod siya sa panawagan ng gobyerno na bawal magpabongga at nag-adjust daw ito.


Parehong gawa ni Michael Leyva ang dalawang gowns ni Heart at sa gown na rumampa siya sa tabi ng husband na si Senate President Chiz Escudero, napili siyang isa sa Best Dressed sa SONA.





Anyway, present din si Pia Wurtzbach sa SONA, invited siya bilang OWWA ambassadress. 


Hindi na naman tuloy napigilan ng mga netizens na pagkumparahin ang dalawa at ang kanilang mga suot, may parinigan na naman ang kani-kanyang fans.


May nag-suggest tuloy na sana, ipagbawal din ang parinigan ng mga fans sa kaso nina Heart at Pia. Tama na raw at mag-enjoy na lang na makita sila sa mga events na sila ay present. Wala rin naman silang interaction at hindi nga yata nagkita.



Habang tumatagal, lalong gumagaling…

ALDEN: BARBIE, PARANG ALAK, MASARAP KASAMA


Limang barangay ang nahatiran ng tulong ni Alden Richards at ng kanyang team sa Malolos, Bulacan. Kasama ang AR Foundation, Myriad Entertainment, Team Alden at sa tulong ng sponsors at mga volunteers, successful ang Flood Relief Operation na ginawa nina Alden. Unang bugso pa lang ito at may mga susunod pa silang hahatiran ng tulong.

Bukod sa relief goods, namigay din sina Alden ng McDonald’s kaya naman masaya ang mga nahatiran at nakatanggap ng tulong. 


Makikita sa video ang maraming tao na pumila para makakuha ng tulong na ipinamahagi ni Alden at lahat sila, malaki ang pasasalamat sa Kapuso actor.


May larawan naman ni Alden na pawis na pawis habang nasa loob ng malaking van na

pinaglagyan ng tulong na kanilang ipinamahagi. 


Sandaling punas lang ng pawis at tuloy na naman ang pamimigay niya ng tulong.

“I need to get out of my way and help. Sinu-sino bang magtutulungan kung ‘di tayo lang mga Pinoy, ‘di ba?” sabi ni Alden.


Inayos nito ang schedule para makapamigay ng tulong sa mga taga-Malolos.

Kinagabihan, dumalo si Alden sa premiere night ng P77 bilang suporta sa friend niyang si Barbie Forteza. Nagustuhan nito ang pelikula at pinuri ang husay ni Barbie to think na sabay nitong ginawa ang movie at Pulang Araw.


“Parang fine wine si Barbie, habang tumatagal, lalong gumagaling. Masarap siyang kasama, masaya siyang kasama,” ayon pa kay Alden. 


Ipinromote na rin nito na showing ang movie simula na this Wednesday, July 30.


3 lalaki sa buhay niya…

JAMESON, SAM AT DAVID, DUMATING SA PREMIERE NG MOVIE NI BARBIE


BINIRO ng press si Barbie Forteza na ang haba ng hair (kahit short ang hair niya ngayon) dahil present sa premiere night ng P77 ang kanyang three leading men.


Unang dumating si Jameson Blake na kapareha ni Barbie sa Netflix movie na Kontrabida Academy. Present din si Sam Concepcion na love interest ng aktres sa Beauty Empire at  dumating din si David Licauco na ka-love team ni Barbie at makakasama rin sa BE.


Sabi naman ni Barbie, “When I was told I can invite my friends to the premiere night, inimbita ko na sila lahat. Happy ako na dumating sila, hindi lang silang tatlo, lahat ng narito. Masaya ako na tinapos nila ang pelikula, walang umalis.”


Siguradong nagustuhan nina David, Sam at Jameson ang P77, lalo na ‘yung mga eksenang magugulat ka, at ang kakaibang pilot twist at ang naging ending. Hindi bawal ang sumigaw habang pinapanood ang movie na showing na simula this Wednesday.


“Magugustuhan nila ang P77 at ang kakaiba nitong story. Napaka-grounded ng story namin—it   revolves around family. It will also delicately delve into PTSD or Post-traumatic Stress Disorder. Aside from the jumpscare, this is also an awareness para mas lumawak ang ating intindi sa mga taong may PTSD,” ayon kay Barbie.


Sa direction ni Derick Cabrido, screenplay ni Enrico Santos at story ni Anj Atienza at produced ng GMA Films at GMA Public Affairs, muling nagpakita ng husay sa pag-arte si Barbie. Kuhang-kuha nito ang galaw at kilos ng may mga PTSD at dagdag nito, marami ang makaka-relate sa karakter niyang si Luna Caceres.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page