Bawal mag-abroad... Bato, arestuhin — DOJ
- BULGAR

- 16 hours ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | May 16, 2026

Photo: File / Ronald Bato Dela Rosa - FB
Lehitimo umano o “valid” ang warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC) laban kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa, ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida.
Ani Vida, itinuturing ng pamahalaan na lehitimong kahilingan ang naturang warrant at ito ay opisyal nang natanggap ng gobyerno.
Iginiit ng kalihim na agad kikilos ang mga law enforcement agency kung susubukan umano ni Dela Rosa na tumakas palabas ng bansa
“And if Senator Dela Rosa would try to flee out of the country, our law enforcement will arrest him,” ani Vida.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag si Dela Rosa kaugnay ng kumpirmasyon ng DOJ hinggil sa warrant of arrest na inilabas ng ICC.





Comments