top of page
Search
  • BULGAR

Bawal din ang laging late at absent... Next senate president, dapat mahigpit pero may puso – Sotto

ni Zel Fernandez | May 14, 2022



Inilarawan ng kasalukuyang lider ng Senado na si Vicente Sotto III ang mga katangiang taglay dapat umano ng magiging susunod na Senate President of the Philippines.


Ayon kay Sotto, tukoy niya ang karakter ng nararapat na lider ng Mataas na Kapulungan, batay na rin sa siyam (9) na senate president na kanyang napagsilbihan, kung saan ang iba sa mga ito ang humubog umano sa kanya. Dahil dito, kaya umano niyang sabihin kung ano ang dapat na katangian ng magiging bagong pinuno sa Senado.


Paglalarawan ni Tito, isa sa mga katangiang dapat mayroon ang susunod na senate president ay ang mastery sa mga parliamentary rules at procedures ng Senado.


Gayundin, marapat umano na ito ay maituturing na consensus builder o tagapagtaguyod ng pagkakaisa sa kapulungan, independent minded, at mahigpit ngunit may puso.


Hindi rin dapat aniya laging late o absent ang susunod na lider na Mataas na Kapulungan para masabing ito ay karapat-dapat sa kanyang posisyon.


Samantala, kabilang umano sa mga nagpahiwatig ng kanilang interes na maging susunod na senate president ng 19th Congress sina Sen. Cynthia Villar, re-electionists Sen. Juan Miguel Zubiri at Sen. Sherwin Gatchalian, at ang nagbabalik sa Senado na si Sen. Chiz Escudero.


Gayunman, wala pa umanong pinal na desisyon kung sino na ang susunod na mauupong pangulo sa Senado.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page