top of page
Search

by Info @News | October 22, 2025



Tito Sotto at Ping Lacson - FB

Photo: Tito Sotto at Ping Lacson - FB



Binigyang-linaw ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na walang kinalaman ang pagbitiw si Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson sa pagiging Senate Blue Ribbon Committee para iligtas ang kanyang liderato sa Senado. “Ang idea of some people sabi nila it’s a ‘King’s gambit.’


Nangingiti na lang kami ni Ping because hindi naman. It could be an idea, but as far as he was concerned, during that time, he was frustrated,” ayon kay Sotto.


Sinabi rin niya na ire-re-elect ng komite si Lacson sa muling pagbubukas ng kanilang sesyon sa Senado sa Nobyembre 10 at magpupulong umano sila ng mga miyembro ng komite oara i-discuss ang ‘goings on’ nila.

 
 

by Info @News | September 29, 2025



Kiko Pangioinan at Ping Lacson - FB

Photo: TIto Sotto - Senate of the Philippines



Sinabi ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na parte ng budget process ang amendments o insertions kasunod ng pagsingit ng ilang mambabatas sa mga insertion na naganap sa 2025 General Appropriations Act.


“Amendments or insertions, whether individual or institutional, done during the deliberations in the Senate, are part of the regular budget process,” ayon kay Sotto.


Idinagdag din niya na, “It is unfortunate that the issue on ghost projects and failed flood control projects affect and generalized all amendments as illegal or improper.”


“Rest assured that for the 2026 budget, the Senate will institute changes for greater transparency, people’s participation and accountability,” saad pa nito.

 
 

ni Zel Fernandez | May 14, 2022


ree

Inilarawan ng kasalukuyang lider ng Senado na si Vicente Sotto III ang mga katangiang taglay dapat umano ng magiging susunod na Senate President of the Philippines.


Ayon kay Sotto, tukoy niya ang karakter ng nararapat na lider ng Mataas na Kapulungan, batay na rin sa siyam (9) na senate president na kanyang napagsilbihan, kung saan ang iba sa mga ito ang humubog umano sa kanya. Dahil dito, kaya umano niyang sabihin kung ano ang dapat na katangian ng magiging bagong pinuno sa Senado.


Paglalarawan ni Tito, isa sa mga katangiang dapat mayroon ang susunod na senate president ay ang mastery sa mga parliamentary rules at procedures ng Senado.


Gayundin, marapat umano na ito ay maituturing na consensus builder o tagapagtaguyod ng pagkakaisa sa kapulungan, independent minded, at mahigpit ngunit may puso.


Hindi rin dapat aniya laging late o absent ang susunod na lider na Mataas na Kapulungan para masabing ito ay karapat-dapat sa kanyang posisyon.


Samantala, kabilang umano sa mga nagpahiwatig ng kanilang interes na maging susunod na senate president ng 19th Congress sina Sen. Cynthia Villar, re-electionists Sen. Juan Miguel Zubiri at Sen. Sherwin Gatchalian, at ang nagbabalik sa Senado na si Sen. Chiz Escudero.


Gayunman, wala pa umanong pinal na desisyon kung sino na ang susunod na mauupong pangulo sa Senado.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page