top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Bawal ang Christmas party, pasugalan lang ang puwede?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 14, 2020
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 14, 2020



BAWAL ANG CHRISTMAS PARTY, SUGALAN LANG ANG APRUB! — Sa panahon ng COVID-19 pandemic ay kabilang ang Christmas party sa ipinagbawal ng IATF (Inter-Agency Task Force) dahil lalabag daw ito sa mass gathering at social distancing na posibleng pagmulan para magkahawaan ng virus.


Dapat talaga sumunod ang lahat sa health protocols bilang parte ng paglaban kontra COVID-19, ang bad lang ay hindi patas ang trato kasi ipinagbawal nga ang Christmas party, pero aprub naman sa IATF ang mga pasugalan tulad ng casino, sabungan, STL (small-town lottery) at Perya ng Bayan.


Tila hindi alam ng IATF na sa mga pasugalang ito ay nalalabag din ang mass gathering at social distancing kasi nagkakaroon ng contact dito ang mga balasador sa casino, kasador sa mga sabungan at kubrador ng STL at Perya ng Bayan sa kanilang mga mananaya, period!


◘◘◘


PATI POGO NG MGA CHINESE, APRUB! — Hindi lang ang mga pasugalang casino, sabungan, STL at Perya ang Bayan ang inaprub ng IATF na mag-operate, kundi pati ang POGO (Philippine Offshore Gaming Operator) ng mga Chinese.


Sa dami ng mga pasugalan sa bansa, puwede nang bansagan ang Pilipinas bilang gambling republic, buwisit!


◘◘◘


KUNG CHINESE DRUG TRAFFICKER ANG PINA-TOKHANG, BAKA NAGING DRUG-FREE NA ANG 'PINAS — Ang sinabi ni DDB (Dangerour Drug Board) Chairman Catalino Cuy na hindi magiging drug-free ang Pilipinas sa katapusan ng termino ni P-Duterte sa June 30, 2022 ay pagpapatunay na sablay ang "war on drugs" ng pamahalaan.


Sasablay talaga kasi ang tinatarget lang sa "drug war" ay mga maralitang adik at pusher, pero kung nag-pokus ang Duterte gov't. sa pag-tokhang sa mga Chinese drug traffickers na nagpapasok ng shabu sa bansa, baka nagtagumpay ang "war on drugs" dahil tiyak matatakot ang mga ito na magpasok ng droga sa Pilipinas kapag nabalitaan nilang "tinu-tokhang" na sila ng Duterte gov't., period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page