Bato sa singsing, super-laki… BEA, INILABAS NA ANG RESIBO NG KASAL NILA NI VINCENT
- BULGAR
- 7 hours ago
- 2 min read
ni KyleShereen Bago (OJT) @Special Article | July 16, 2026

Photo: IG @bealonzo
Dalawang araw matapos ang kasal nila ni Vincent Co nu’ng July 13, opisyal nang kinumpirma ni Bea Alonzo ang civil wedding nila sa Makati City Hall.
Kahapon, July 15, si Bea na mismo ang naglabas sa kanyang Instagram account ng mga wedding photos nila ni Vincent na may caption na “Home”.
Simple lang ang suot na puting damit nina Bea at Vincent, pero agaw-pansin ang singsing ng aktres na ang laki ng bato.
Sa comment section, agad na inulan ng comments mula sa mga kaibigan nilang celebrities at influencers ang post ni Bea.
Kabilang sa mga bumati kina Bea at Vincent ang BFF ng aktres na si Dimples Romana at sina Erik Santos, Jericho Rosales, Gladys Reyes, Ivana Alawi, KC Concepcion, Julie Anne San Jose, Camille Prats, Mariel Rodriguez-Padilla, Charlene Gonzales, Yasmien Kurdi, Nadine Samonte, Arci Muñoz, Dianne Medina, Isabelle Daza, Pauleen Luna-Sotto at marami pang iba.
Si DJ Chacha nga, hindi napigilang ipahayag ang kanyang saya para sa aktres.
“DESERVE NA DESERVE SOOO HAPPY FOR YOU BEI!!!” ani ni DJ Chacha.
Matatandaang naging usap-usapan noon ang umano’y hiwalayan nina Bea at Vincent matapos ang naudlot na kasal nila nu’ng May 16 sa Spain.
Akala ng lahat ay wala na talagang mangyayaring kasal, pero pasabog ang civil wedding nina Bea at Vincent.
KAGAGALING lang sa tagumpay pero mukhang niyanig agad ng matinding intriga ang bagong hirang na Miss Q & A: Reyna Talak Era na si Lola Move!
Matapos iuwi ang korona nitong Hulyo 13 sa It's Showtime gamit ang kanyang talento at walang kupas na komedya na nagpabilib sa madlang people ay biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Sa halip na purong selebrasyon, inulan ng batikos si Lola Move.
Nahalungkat kasi ng mga netizens ang mga kontrobersiyal na posts ni Lola Move noong 2022 sa kanyang TikTok account. Dito, lantaran niyang binatikos ang dating bise-presidente na si Leni Robredo, pati na ang mga tagasuporta nito o ang mga "Kakampinks.
Isa sa mga linyang ikinagulat ng kanyang mga bagong supporters ay ang hirit niyang: "Ang presidente n’yo, abogado na lutang."
Dahil sa paglutang ng mga lumang posts na ito, hati ngayon ang reaksiyon sa social media. Habang ang iba ay ipinagtatanggol siya, marami naman sa kanyang mga tagahanga ang umaming gumuho ang kanilang bilib at nakaramdam ng matinding pagkadismaya sa ugali ng komedyante sa likod ng entablado.
Sa kabila ng ingay sa social media ay nananatiling tikom ang bibig ni Lola Move tungkol sa kanyang political stand sa kasalukuyan.

