Batas vs. tsismis sa trabaho
- BULGAR

- Jun 17, 2023
- 1 min read
ni Madel Moratillo | June 17, 2023

Sa Kamara, isinusulong na maisama sa itinuturing na bullying sa trabaho ang pagpapakalat ng tsismis o maling impormasyon at ikategorya ito bilang isang offense.
Sa House Bill 8446 ni ACT-CIS Partylist Rep. Jocelyn Tulfo at anak na si Quezon City Rep. Ralph Wendell Tulfo, nakasaad na ang pagpapakalat ng tsismis laban sa employer o kapwa empleyado ay ituturing bilang isang uri ng office bullying.
Sa ilalim ng panukala, ang bullying ay kahit anong bagay na nagdudulot ng pangamba sa isang empleyado, pisikal man o emosyunal at nagdudulot ng pagkaantala sa operasyon ng negosyo o trabaho.
Sa ilalim nito, bawal ang anumang unwanted physical contact, paggamit ng “foul” na lenggwahe, name-calling, gender-based bullying, at cyberbullying.
Kasama rin dito ang kawalan ng respeto sa kapwa empleyado, threats at intimidation ng
employer, pagnanakaw ng credit at unfair advantage sa co-worker, at pagpigil ng access sa workplace, career, at office opportunities sa co-worker.
Nanawagan din ang panukala sa lahat ng government at non-government offices na i-adopt ang mga polisiya para malabanan ang office bullying.




Comments