top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Batang Pier, nilunod ang ROS

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 5, 2023
2 min read

ni Clyde Mariano @Sports | March 5, 2023




Tinalo ng North Port ang walang import Rain or Shine, 113 -97, at lumakas ang tyansa masungkit ang pang-walo at huling quarterfinal seat sa PBA Governors Cup sa Philsports Arena sa Pasig.


Dala ang kartada 3-7, kailangan ipanalo ng Batang Pier ang huli nilang laro laban sa league-leading Talk ‘N Text at ipanalangin matalo ang RoS sa SMB at angkinin ang huling quarterfinal seat.


Kung matalo ang North Port sa TNT at manalo ang RoS sa San Miguel Beer, maglalaban ang Batang Pier at Elasto Painters knockout game at ang mananalo kukunin ang pang-walo at huling quarterfinal slot.


Tiyak makukuha ng North Port ang huling quarterfinal seat at dahil sa walang import tiyak matatalo ang RoS sa SMB.


Ito ang pangalawang beses naglaro ang RoS walang import matapos matalo sa Phoenix, 114-106.


Pasok na ang TNT, SMB, Barangay Ginebra, NLEX, Meralco, Converge at Phoenix at ang huling pang-walong slot ay pinag-aagawan ng North Port at RoS.


Sinamantala North Port walang import ang RoS lumamang 17, points, 104-87, behind 24-10 atake at iposte ang pangatlong panalo sa sampung laro.


Pinamunuan ni Kevin Murphy ang mainit na opensiba ng North Port tumipa 39 points, kasama ang sampung tres at muling dalhin ng 32 years old American import taga Tennessee ang North sa panalo.


Si Murphy magdiriwang ng kanyang 33 kaarawan sa March 6 ang nagpasimuno sa 19-8 atake tungo sa 99-85 lamang.


Nagpakita nang pagtutol ang Elasto Painters sa unang 24 minutes dumikit 52-53. Sa kawalan ng import kusang bumigay sa second half at ibigay ang panalo sa Batang Pier.


Hindi pinayagan si Tolbert maglaro dahil lagpas sa 6-foot-6 ceiling at ang bagong import taga Fort Worth Texas kapalit ni Greg Smith ang taas 6 feet and 61/2 inches.


Napakalungkot ang sinapit ni RoS coach Yeng Guiao dahil nawalan ng import kung saan kailangan niyang manalo at makapasok sa quarterfinals



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page