Batang Pier nakaresbak sa TNT, Fencer Esteban sa Ivory Coast
- BULGAR
- Jun 3, 2023
- 2 min read
ni Gerard Arce / Clyde Mariano @Sports | June 3, 2023

Hiniya ng North Port ang pinapaborang Talk ‘N Text, 99-90, sa PBA Preseason on Tour sa Ynares Sports Arena sa Pasig City kagabi.
Determinadong manalo matapos matalo sa una nilang laro, nakipagsabayan ang Batang Pier sa Tropang Giga sa shooting contest at na outshot ang reigning Governors Cup champion.
Sa kabila nang pinapaboran dahil nasa kanila ang deadly trio na sina Jayson Castro, Roget Pogoy at Mikey Williams, matagumpay na natalo ng Batang Pier ang outstanding favorite Tropang Giga at ipinakita ng mga bata ni coach Bonnie Tan na kaya nilang talunin ang kahit sinong koponan sa liga.
“Sabi ko sa kanila huwag kayong matakot at maglaro nang husto at kaya n'yong manalo. Yan ang ginawa nila naglaro nang husto. Masaya ako sa kinalabasan ng laro,” sabi ni Tan.
Dikit ang laban sa unang tatlong quarters at kinuha ng North Port ang panalo sa fourth quarter naungusan ang TNT 34-21.
Walang magawa ang TNT at tinalo ng North Port at ginantihan ang Tropang Giga na tumalo sa kanila, 110-134 sa Governors Cup.
Samantala, ipagpapatuloy ni dating national fencing athlete at dating University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s Rookie/MVP Maxine Isabel Esteban ang kanyang pangarap na makapasok sa Summer Olympic Games para katawanin ang bansang Cote d’ Iviore o Ivory Coast upang mahanap ang isang slot para sa 2024 Paris Olympics.
Kaugnay ito ng nirerepresintang bansa sa kanyang International Fencing Federation (FIE) profile na kasalukuyang nakapwesto bilang No. 84th sa buong mundo ang 22-anyos na 2019 Southeast Asian Games women’s team foil bronze medalist.
Nagpahatid ng liham ang Philippine Fencing Association (PFA) sa desisyon ni Esteban at hiniling sa FIE na talikuran ang tatlong taong paghihintay sa pagkatawan sa bansang Ivory Coast.








Comments