top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Batang Pier, naka-unang panalo kontra Bolts

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 18, 2022
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | February 18, 2022




Maituturing na isang kagila-gilalas at mala-never-say-die ang ipinakitang laro ng Northport Batang Pier para tapusin ang pagkagutom sa panalo nang silatin at ibigay ang unang talo sa No.2 ranked na Meralco Bolts, 109-98 kahapon sa PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.


Binura ng Northport ang 19 na puntos na kalamangan ng Meralco sa first half nang makakuha ng malaking tulong mula sa mga bench players, maging ang tiyagaang mahigpit na depensa. Nagbuslo ng 58 puntos ang bench players ng Northport sa pangunguna ni Robert Bolick sa 22 pts at 7 rebounds para tulungan ang koponan na wakasan ang limang sunod na pagkatalo. Naging malaking bagay din sa pagkapanalo ng Batang Pier sina Jamie Malonzo (14pts), Jerrick Balanza (12pts) at Troy Rike (10).


“Everybody has step up for us, kahit yung new acquisition namin nakatulong to get our first victory. All the players na pinasok namin talagang tumulong. But most important here is our defense. Tumutok talaga kami sa depensa. Nag-try kami mag-zone kahit na tinitirahan kami sa labas, pero nakuha namin sa tao-tao kaya nakabalik kami then dun nag-iba yung takbo ng laro,” pahayag ni Northport head coach Pido Jarencio.


Kumana naman ng 34 pts si Tony Bishop para pangunahan ang Meralco at sumuporta sina Chris Banchero sa 23 pts at Allein Maliksi sa 14pts. Maagang ipinaramdam ng Meralco ang dominasyon nang manambak sa 32-18 sa first quarter, subalit hindi sumuko ang Batang Pier at tiyagaing maibaba ang lamang sa 3 puntos.


Naiibang koponan na Northport ang nagpakita sa third period ng umariba ito ng husto sa pagsisimula ng bumanat ng 26-6 run sa pagsisimula ng second half para makuha ang 73-58 sa 4:21.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page