top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Batang Azkals, tumabla sa Timorese, Cambodia next

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 16, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | February 16, 2022





Sumandal ang Philippines Under-23 Football National Team sa mahusay na kombinasyon nina Marcel Ivan Ouano at Jacob Francis Maniti upang masalba ang 2-2 tabla sa Timor Leste sa pagbubukas ng 2022 AFF Under-23 Championship Cambodia Lunes ng gabi sa Morodok Tech National Stadium. Gumawa ng dalawang goal si Ouano pareho galing sa mga pasa ni Maniti kung saan hinabol sa buong 90 minuto ng Under-23 Azkals ang mga Timorese.


Nakuha ng Timor Leste ang maagang unang goal 7 minuto lang ang lumipas buhat sa penalty kick ni Mouzinho matapos pabagsakin ng malakas ni Jaime Rosquillo si Elias Mesquita malapit sa goal ng Pilipinas. Bumawi ang mga Pinoy bago magwakas ang first half at inagaw ni Maniti ang bola at agad ipinasa kay Ouano na linampasan ang madikit na depensa ni Timor kapitan Filomeno para itabla ang laro sa 1-1 sa ika-45 minuto.


Pinaabante muli ni Jaimito Soares ang Timorese sa ika-55 minuto at hindi naharang ni goalkeeper Quincy Kammeraad ang bola. Hindi sumuko ang Azkals at kinuha Ouano na itinapik ito papasok sa ika-62 minuto. “We got our goals because of teamwork, we did our best,” wika ni Ouano na produkto ng National U. Si Maniti ay kasapi ng MacArthur FC sa A League ng Australia.


“We know the quality of Timor Leste as they have been together for three months compared to the three weeks that we had,” dagdag ni Coach Stewart Hall. Hahanapin ng Azkals ang unang panalo sa tapatan nila sa punong abalang Cambodia ngayong Huwebes sa Morodok ng 8 p.m. Ang bagong palaruan ay itinayo para sa 2023 Southeast Asian Games na gaganapin sa Cambodia.


Sinimulan ng Cambodia ang kampanya sa 6-0 paglampaso sa Brunei. Lamang ang mga Cambodian sa first half, 3-0, at kahit naantala ang simula ng second half ng kalahating oras ng malakas na ulan ay nagawa pa nilang madoble ito at kunin ang solong liderato sa Grupo A. Mga laro ngayong Huwebes – Morodok Techno National Stadium, Phnom Penh 8:00 p.m. Pilipinas vs. Cambodia.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page