Batanes, Babuyan Islands at Cagayan, Signal No. 1 dahil kay ‘Obet’
ni Lolet Abania | October 20, 2022

Tatlong lugar sa Northern Luzon ang nananatiling nasa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sanhi ng Tropical Depression Obet, na taglay nito ang kanyang lakas na kumikilos pakanluran sa buong Philippines Sea ngayong Huwebes.
Sa kanilang 11AM bulletin, sinabi ng PAGASA na ang Batanes, Babuyan Islands, at northeastern portion ng mainland Cagayan, kabilang ang bayan ng Santa Ana, Gonzaga ay isinailalim na sa TCWS No. 1.
Huling namataan si ‘Obet’ sa layong 745 kilometro silangan ng Basco, Batanes, na may maximum sustained winds na 45 km kada oras at gustiness na aabot hanggang 55 km/h habang kumikilos ito pakanluran ng 10 km/h.
Ayon sa state weather bureau posibleng umabot si ‘Obet’ sa tropical storm category sa Biyernes ng gabi o madaling-araw ng Sabado habang tinatahak nito papalapit sa kalupaan ng Luzon.
“Further intensification is likely once OBET reaches the West Philippine Sea,” pahayag ng PAGASA.
Bukod sa inaasahang mga pag-ulan dahil kay ‘Obet’, magdudulot din ang shear line ng malalakas na pag-ulan sa Batanes, Cagayan Valley, Apayao, at Ilocos Norte sa susunod na 24 oras, batay sa state weather bureau.
“Obet is expected to move west southwestward until Thursday evening or Friday morning while accelerating before turning westward towards Luzon Strait,” saad ng PAGASA.
Makararanas naman ng bahagya hanggang sa katamtaman at paminsan-minsang malakas na pag-ulan sa buong northern portion ng Ilocos Sur, Abra, Kalinga, at natitirang bahagi ng mainland Cagayan.
“Under these conditions, flooding and rain-induced landslides are possible, especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazard as identified in hazard maps and in localities with significant antecedent rainfall,” sabi pa ng PAGASA.





Comments