Bata pa raw kasi siya noon, Richard… BARBIE, AMINADO SA TOXIC NA RELASYON SA MGA EX-BF
- BULGAR

- 1 hour ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | March 31, 2026

Photo: Barbie Imperial - Interview via Bulgar
Kapansin-pansin ang kinang ng alahas na suot ni Barbie Imperial nang um-attend sa bonggang mediacon ng ABS-CBN para sa Blood vs. Duty.
Usap-usapan na mula ito sa ina ni Richard Gutierrez na si Annabelle Rama na isang alahera.
Natanong ang aktres kung kay Annabelle nga ba galing ang mga ito.
Ani Barbie, “‘Yung iba po, kay Tita Annabelle. Ito po (sabay turo sa hikaw na may malaking bato), bigay n’ya.”
Pero ‘yung kuwintas, “Ay, akin naman po ‘to, may pambili naman ako. Hahaha!”
Halatang masaya si Barbie habang nakaharap sa press people dahil magkasama sila ng boyfriend na si Richard sa pelikulang Blood vs. Duty (BVD). Parehong maaliwalas ang mukha ng magkarelasyon dahil halatang in love at inspired sila sa isa’t isa.
Samantala, may nag-comment kay Barbie na ngayon lang daw siya nagkaroon ng hindi toxic na relasyon.
“Grabe naman, toxic agad? Hahaha! Siguro kasi, bata pa ako nu’n, may mga misunderstanding noon at tamang timing lang ngayon,” wika ng magandang aktres.
Ganern? Ang tanong, si Richard Gutierrez na nahiwalay sa misis na si Sarah Lahbati na nga ba ang endgame ni Barbie? Abangan!
NAG-REACT ang GMA artist na si Chanty Videla sa pag-follow ni Jungkook ng BTS sa kanyang TikTok (TT) account.
Ibinahagi niya sa kanyang Instagram (IG) account ang mahalagang nangyari sa kanyang career.
Si Chanty ay isa ring singer at miyembro ng K-pop girl group na Lapillus.
Karangalan ng mga female artists na sila ay ipina-follow ng sikat na K-pop boy band, lalo na ni Jungkook.
Hindi lang si Chanty ang Pinay celebrity na pina-follow ni Jungkook, nariyan din sina Niana Guerrero at AC Bonifacio.
Labis ang tuwa ni Chanty dahil minarkahan niya ang isang kapana-panabik na milestone sa social media – opisyal na siyang sinusundan ni Jungkook sa TikTok (TT).
Ibinahagi ni Chanty ang kanyang tuwa sa mga tagahanga sa pamamagitan ng pag-post ng screenshot sa kanyang Instagram (IG) Story na nagpapakita na pinindot ng K-pop superstar ang follow button sa sikat na platform.
“WHAAATTT?” masayang isinulat ni Chanty.
Aniya pa, “‘Di pa rin ako makapaniwala! Ang saya ng puso ng ARMY ko!”
For sure, marami na naman ang mapapa-“Sana all!”
AYON sa mapagkakatiwalaang source sa kasal nina Bea Alonzo at Vincent Co, sigurado na raw na sa Mayo 16, 2026 ang petsa at sa Spain ito gaganapin.
Una nang nalathala na sa isang simbahan sa Maynila ikakasal sina Bea at Vincent.
Hindi naman nagbigay ng detalye ang magkasintahan sa nasabing kasal at nasundan ito na kung magpapakasal sila ay sa Espanya magaganap.
Sa ngayon ay tahimik ang dalawa sa estado ng kanilang relasyon. May haka-haka na ang seremonya ng kasal ay malayo sa kaguluhan sa Maynila.
Dahil sa krisis na nagaganap ngayon sa mundo, ang paglalakbay ay limitado. Kaya naman, isang pribadong eroplano ang inarkila upang maghatid daw sa mga bisita mula sa Maynila.
Komento ng mga netizens:
“Baka ru’n sa vineyard nina Vincent. Grabe ang destiny, same year nabili ng pamilya Co ang vineyard at pagbili ni Bea ng condo sa Spain.”
“Sabi ni Bea, pangarap din n’ya ang bumili at magmay-ari ng ubasan balang-araw.”
“Sila talaga ang matched na matched.”
“Sana all.”
“Grabe ang sosyal, may private plane na plan B na maghahatid sa mga guests. Ikaw na, Bea! After all the bashings at heartaches, you found a man na magpoprotekta sa ‘yo at nagmamahal. Best wishes.”
True!




Comments