top of page
Search
  • BULGAR

Bata, 6 yrs. old na raw… DINGDONG, KALAT NANG MAY ANAK KAY LINDSAY, MARIAN DEDMA LANG

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 7, 2024



Showbiz Photo
File photo: Lindsay de Vera, Dingdong Dantes at Marian Rivera

Ilang araw nang kumakalat sa social media at pinag-uusapan na naman ng mga Marites ang luma nang issue na may anak si Dingdong Dantes sa dating Kapuso star na si Lindsay de Vera.


Well, nasabi naming lumang issue na ito dahil year 2021 pa nu'ng unang pumutok ang diumano'y naging secret affair ng mister ni Marian Rivera kay Lindsay.


Nagbigay na rin ng pahayag noon si Marian na tinawanan lang ang issue at hindi naniwalang may nabuntis ang kanyang mister.


Muli na namang nabuhay ngayon ang isyung may naanakan si Dingdong dahil sa blind item ni Ninang Cristy Fermin sa kanyang YouTube vlog na may isang pamilyadong aktor ang diumano'y may 5 or 6 years old nang anak sa dating nag-aartista.


Dahil blind item nga, pahulaan kung sino ang pambatong aktor ng istasyon na "family man at napakaresponsableng ama sa kanyang mag-iina", ayon na rin sa paglalarawan sa kanila ng veteran columnist-TV at radio host.


At kahit walang binanggit na pangalan si Ninang Cristy, may mga Marites sa social media ang pumick-up sa kanyang blind item at pinangalanan itong sina Dingdong Dantes at Lindsay de Vera.


Pero kahit ilang araw na ngang pinag-uusapan 'yan sa Facebook at YouTube, dedma lang at tila walang balak si Marian Rivera na patulan pa ang isyung 'yan lalo't masayang-masaya at tahimik ang pamilya nila ngayon ni Dingdong. 


Una, bakit nga naman niya kailangang bigyan ng atensiyon ang isyung 'yan, eh, nasagot at tinawanan nga lang niya 'yan nu'ng year 2021. 

Pangalawa, blind item nga, bakit naman siya pipiyok? Eh, di lalabas pang guilty at defensive siya, 'di ba?


Well, hangga't walang resibo na lumalabas tungkol sa isyung 'yan, mananatiling tsismis 'yan. So, tama lang na 'wag nang magpaapekto sina Marian at Dingdong at mag-focus na lang sa pamilya nila.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page