top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Basket of Gold at Amor Mi Amor sa Santa Ana

BULGAR
Apr 8, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | April 8, 2022


Hindi na mahintay ng mga karerista ang pagtakbo ng mga future stakes race champions sa darating na Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.


Nanguna sa mga nagsaad ng pagsali sina Basket Of Gold at Amor Mi Amor ang 11 na nagdeklara ng kalahok sa magaganap na 2022 PHILRACOM "3-Year-Old Maiden Stakes Race.


May distansiyang 1,300 meter race, ang ibang makikipagtagisan ng bilis ay sina Beat Da Boys, Cupid Song, Ecotourism, Eutychus, Opportunity, Pharaoh Bell, Portsalt, Queen Louise at Thermodynamics.


Nakalaan ang guaranteed prize na P1.2-M na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon. "Ang laki ng premyo kaya paniguradong magandang laban ang mapapanood natin," saad ni Vicente De Villa, karerista.


Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P720,000 mapupunta sa second placer ang P240,000 habang tig-P120,000 at P60,000 ang third at fourth ayon sa pagkakasunod.


Samantala, siyam na karera ang nakalinya na tatakbo ngayong araw ng Biyernes kaya naman paniguradong masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page