Search
  • BULGAR

Basilan Rep. Mujiv Hataman at Isabela Mayor Sitti Djalia Hataman, nagpositibo sa COVID-19

ni Lolet Abania | August 1, 2020




Nagpositibo sa test sina House Deputy Speaker, Basilan Rep. Mujiv Hataman at asawang si Isabela City Mayor Sitti Djalia Hataman sa coronavirus o COVID-19.


Sumailalim na sa self-quarantine sa bahay ang mag-asawa at isinasagawa nila ang strict health at safety protocols.


Sa video ng mambabatas na lumabas sa kanyang Facebook page, nagpa-swab test silang mag-asawa noong Huwebes at naibigay ang resulta, kahapon. Hinihintay pa nila ang results ng test ng kanilang mga anak.


Gayundin, nakaramdam ang mag-asawa ng mild symptoms tulad ng cough at slight fever, subalit maganda naman ang pakiramdam nila sa ngayon.


“Walang symptoms na kailangan i-treat sa hospital, dito lang kami. We will continue to manage at patakbuhin ang LGU from here,” sabi ni Mayor Hataman.


Nagsasagawa na rin ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng mag-asawa.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.