top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Basher, pinakakasuhan para tumigil… ANAK NI CARLO, NILAIT NA, PINAGBANTAAN PANG PAPATAYIN

BULGAR
Apr 13, 2021
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | April 13, 2021




Pagkatapos i-bully ang anak nina Markus Paterson at Janella Salvador, ang pinagtripan at napagbalingan naman ng mga walang magawang bashers ay ang baby girl nina Carlo Aquino at Trina Candaza.


Nai-save at na-screenshot ni Carlo ang comment ng isang netizen patungkol sa baby ng aktor na si Enola Mithi.


Comment ng netizen, “Ansarap mo namang patayin bata ka. Mukha kang tutang ina. Anak ka ng artista pero mukha mo, parang tutang ina. Gawin kitang punching bag para mawala na 'yang mukha mo.”


Sagot ni Carlo, “Full grown adult who makes fake accounts to do this. Ano na ang nangyari sa mundong ito? Papa'no kayo pinalaki ng mga magulang ninyo? Magkano sinasahod n'yo para gawin ito? Worth it ba?”


Hindi kuntento ang mga netizens sa reaction ni Carlo. Dapat daw, lumapit siya sa Cybercrime ng NBI, isumbong ang nagbigay ng death threat sa baby nila ni Trina at ipakulong. Hindi na lang daw bashing ang ginawa ng netizens, may pagbabanta nang saktan at patayin ang baby. Dapat daw, seryosohin ito ni Carlo at 'wag palagpasin.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page