top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Basheirrou, sure na sa line-up ng 2nd Triple Crown

BULGAR
May 30, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | May 30, 2022


Hindi pa nailalabas ang lineup sa magaganap na 2nd Leg Triple Crown Stakes Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas sa susunod na buwan.


Pero tiyak ang pagsali ni 1st leg winner Basheirrou.


Sapagkat pakay ni Basheirrou na makagawa ng history sa karerahan sa mga kabayong naka-sweep ng triple crown series.


Walang nakaporma sa mga nakatunggali ni Basheirrou sa 2022 PHILRACOM "1st Leg Triple Crown" stakes race na inilarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite noong Mayo 15. Nirendahan ni class A rider Kelvin Abobo, inirehistro ni Basheirrou ang tiyempong 1:42 minuto sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ang P2.1M sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Dumating na segundo noon si Jungkook na kinubra ang P787,500 habang napunta sa third at fourth placers na sina Radio Bell at Gomezian ang tig- P437,500 at P175,000 ayon sa pagkakasunod.


"Sa palagay ko kaya pa rin manalo ni Basheirrou sa second leg, magaling sobra," ani David Gonzales, veteran karerista.


Inuwi naman ng breeder ng winning horse ang P175,000, ang ibang lumahok sa nasabing big event ay sina Don Julio at Enigma Uno.


Komento ng mga karerista sa social media, malaki ang tsansa daw ni Basheirrou na mawalis nito ang triple series dahil sa ipinakitang husay sa event na suportado ng (PHILRACOM).


Samantala, maliban sa triple crown, may mga stakes races pa ang pakakawalan sa nasabing petsa kaya inaasahang masisiyahan ang mga karerista sa kanilang pananaya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page