‘Basag-kotse’ strikes again

by Benjamin Chavez @News | October 25, 2026

Photo: File
Muling naitala ang insidente ng basag-kotse sa Los Baños, Laguna matapos mabiktima ang kostumer sa isang restaurant.
Nangyari ang insidente bandang alas-4 ng hapon sa parking lot ng Max's Restaurant sa National Road, Brgy. Lalakay.
Kinilala ng Los Baños Municipal Police Station ang biktima sa alyas Jose, habang patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek.
Batay sa paunang imbestigasyon, alas-3:30 ng hapon nang iparada ng biktima ang kanyang Isuzu MU-X sa parking lot ng restawran upang kumain.
Makalipas ang humigit-kumulang 30 minuto, bumalik ang biktima sa kanyang sasakyan at nadiskubreng basag na ang salamin sa kaliwang bahagi ng likurang upuan.
Nang inspeksyunin ang sasakyan, nawawala na ang kanyang Apple MacBook, Samsung tablet, mga bankbook na may kasamang ATM cards, traveling bag, mga susi ng bahay at sasakyan, at ilang libro.
Nagsasagawa na ng pagsusuri sa mga kuha ng CCTV ang Los Baños MPS upang mapabilis ang pag-aresto sa salarin.





Comments