top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Barroca, bida sa Hotshots; ALZA-Alayon pasok sa semis

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 31, 2021
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | July 31, 2021



Nasapol ng Magnolia Hotshots ang kanilang ika-4 na sunod na panalo nang itirik ang Terrafirma Dyip, 105-83, upang manatili ang malinis na kartada sa maigsing komperensiya sa g elimination round ng 46th PBA Philippine Cup sa Ynares Arena sa Pasig City kahapon.


Kumana para sa Hotshots si veteran guard Mark Barroca ng 16 pts matapos masaktan sa 2nd quarter si Paul Lee na may 5 pts. Ngunit hindi nagkulang sa karagdagang puwersa ang Hotshots at nakatulong sina Ian Sangalang (18pts) at Calvin Abueva (14pts).


“Simula ng dumating si Calvin, nakita namin yung bagong firepower na puwedeng tumulong sa amin, kase napag-usapan namin na may chance kaming makabalik ng finals,” pahayag ni Barroca matapos ang laban.


“Mark step up in the absence of Paul, nagkaroon lang ng kaunting injury, precautionary lang para di lumala, but, it’s all about defense. We want to respect them (Terrafirma) and put a proper mindset sa mga players,” wika ni Magnolia head coach Chito Victolero. “In last three days na preparation naming, binibigyan talaga namin ng importance ang mindset going to this game. We don’t want to relax kaya na-adopt nila at gusto yung ginagawa and played a total team effort.”


Samantala, umabante na sa semifinal round ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup ang JPS Zamboanga City nang malampasan ang ALZA-Alayon Zamboanga del Sur, 69-66, habang napuwersa ng 8th seed na Kapatagan Buffalo Braves ang isa pang laban kontra Pagadian Explorers, 96-82 kahapon sa Plaza Luz Gym sa Pagadian City, Zamboanga del Sur.


Dalawang importanteng free throws ang isinalpak at isang matinding depensa ang ginawa ni NCAA season 95 Finals MVP Fran Yu upang takbuhan ang ALZA-Alayon at kaharapin sa best-of-3 semifinal round ang second seed na Clarin Sto. Nino na gaganapin ngayong araw bandang alas-6:00 ng gabi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page