BARMM mayor at utol, sumuko sa kaso ng pamamaril sa vice mayor

by Jeff Tumbado @News | November 27, 2026

Photo: BARMM Mayor Rhenz Tukuran, 39, at kanyang kapatid na si Datu Pia Maisalat Tukuran - Circulated
Sumuko sa pulisya si Nabalawag, BARMM Mayor Rhenz Tukuran, 39, at kanyang kapatid na si Datu Pia Maisalat Tukuran, 37, kaugnay ng pamamaril kay Datu Piang, Maguindanao del Sur Vice Mayor Mohammad Omar Samama.
Personal na nagtungo ang magkapatid sa Kabacan Municipal Police Station sa North Cotabato nitong Miyerkules, Nobyembre 25, matapos maglabas ng warrant of arrest laban sa kanila ang Regional Trial Court (RTC) Branch 13 sa Cotabato City.
Pansamantalang nakalaya ang dalawa matapos maglagak ng tig-P120,000 piyansa.
Nakatakda naman ang unang pagdinig sa kaso sa susunod na buwan.
Matatandaang nasugatan si Samama sa pananambang noong Pebrero 24, 2025, ngunit nakarekober na ito.





Comments