top of page
Search
  • BULGAR

Barko, sumalpok sa tulay, 6 nawawala

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 27, 2024




Anim na manggagawa ang nawawala at hinihinalang patay matapos gumuho ang isang tulay sa Baltimore Harbor nang sumalpok dito ang isang malaking barko noong Martes.


Nagloko ang kontrol sa malaking barko dahil sa pagkawala ng kuryente dito.


Nagdulot ang aksidente ng pagpapasara sa isa sa pinakaabalang mga pantalan sa US Eastern Seaboard.


Sa pagtaas ng panganib na kinakaharap ng mga dive team sa madilim at makalat na tubig, itinigil ang aktibong mga operasyon ng paghahanap at pagliligtas mga 18 oras matapos ang aksidente, ayon sa opisyal ng US Coast Guard at Maryland State Police.


Sinabi ni Rear Admiral Shannon Gilreath ng Coast Guard na walang pag-asa na makita pa at matagpuang buhay ang mga nawawalang manggagawa dahil sa malamig na tubig at tagal ng oras mula nang mangyari ang aksidente.


Inihayag naman ni State Police Colonel Roland Butler na umaasa ang mga otoridad na makabalik ang mga divers sa tubig sa pagsikat ng araw sa Miyerkules para makuha ang mga labi ng mga manggagawa.


Palabas ng Baltimore Harbor patungong Sri Lanka ang container vessel na may banderang Singapore na pinangalanan na Dali, nang bumangga ito sa isang haligi ng Francis Scott Key Bridge sa labas ng ilog ng Patapsco bandang 1:30 ng madaling-araw (0530 GMT).


Nailigtas ng mga rescuer ang dalawang survivor, at dinala ang isa sa kanila sa ospital.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page