Barko de-giyera ng U.S. at China, ayaw umalis sa WPS, nakupo!

ni Ka Ambo - @Bistado | February 11, 2021
Hindi na umaalis sa West Philippine Sea ang mga barko de-giyera ng US.
Hindi rin umaalis ang barko de-giyera ng China at patuloy ang warning sa mga warships!
◘◘◘
Mahaba pa ang conflicts sa Spratly Islands at apektado ang Pilipinas.
Hindi ito nareresolba bagkus ay gumagrabe pa!
◘◘◘
Gayunman, higit na maselan ang sitwasyon ng Taiwan dahil direktang nagbanta ang mainland China na lulusubin ito kapag nagdeklara ng independensiya.
Aktuwal ding nasa bisinidad ng Taiwan ang military hardware ng China!
◘◘◘
Hindi garantiya ang pangako o aktuwal na suporta ng U.S. ng pagwawagi.
Ito ay napatunayan sa Vietnam, kahit sinaklolohan nila, namayani pa rin ang mga komunista!
◘◘◘
Ordinaryong mamamayan ang kalaban ng U.S. sa Vietnam at hindi ang mainland China, pero umatras sila.
Ibig sabihin, mas mainam ay kung mangangako ang China na hindi aangkin ang mga isla na inaangki rin ng Pilipinas at aatras sila sa WPS!
◘◘◘
Mas magandang pangako ‘yan na dapat nating marinig kaysa sa pangako ng U.S. na dedepensa kapag nagkagiyera.
Higit pa ring mabuti ang kapayapaan kaysa digmaan!
◘◘◘
Kapag ang giyera ay nakisabay sa pandemic, mas grabe ang magiging sitwasyon ng ekonomiya.
Minsan, maaaring pinagagrabe talaga ang ekonomiya ng gobyerno.
Kapag nalumpo o nalampa ang gobyerno sa dami ng krisis, madali na itong makukobkob o madidiktahan ng malalaking bansa!





Comments