Baril pinaglalaruan, pumutok.. Sekyu, sapul sa ulo, dedbol
- BULGAR

- Sep 5, 2023
- 1 min read
ni Janice Baricuatro @News | September 5, 2023

Patay ang isang security guard makaraang pumutok sa ulo nito ang baril na itinutok mismo ng biktima at aksidente umanong nakalabit ang gatilyo habang naka-duty sa Bgy. Panapaan 6, Bacoor, Cavite.
Sabog ang ulo ng biktima na si John Michael de Guzman, security guard at residente ng Bgy. Panapaan 6.
Sa imbestigasyon nina Police Sergeant Jose Marie Natanawan at Patrolman Levin Sinatad, alas-8:50 umano ng umaga nang maganap ang insidente sa Altaco Motors Corp., Bgy. Panapaan 6, kung saan naka-duty ang biktima.
Ayon sa saksi na si Carlo Jay Manlabao, 31, helper, nakita umano niya ang biktima na tila pinaglalaruan ang baril nito at nagulat umano ito nang biglang itinutok sa ulo at pumutok. Duguang bumulagta ang biktima na namatay noon din.
Narekober sa kanang kamay ng biktima ang baril na ginamit habang sa kaliwang kamay nito ang magazine ng nasabing baril. Patuloy naman ang follow-up investigation ng pulisya sa insidente.





Comments