Baril ng tiyuhin, pinaglaruan... 9-anyos, nabaril sa ulo ng edad 13
- BULGAR

- Aug 5
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | August 5, 2026

Photo: File
Nasa kritikal na kondisyon ang siyam na taong gulang na batang lalaki matapos aksidenteng mabaril sa ulo ng 13-anyos na kasamahan sa loob ng isang bahay sa Brgy. San Isidro, General Santos City.
Kinilala ang biktima na si alyas Vincent na tinamaan ng bala sa kanang bahagi ng ulo at inoobserbahan na sa ospital.
Lumitaw sa imbestigasyon na nilalaro umano ng suspek na si alyas Jimboy ang isang kalibre 38 na baril at biglang pumutok na tumama sa biktima.
Ang baril ay pag-aari umano ng isang reservist ng 105th Brigade, 6th Infantry Division ng Philippine Army at tiyuhin umano ng biktima.
Nasa kustodiya na ng pulisya si “Jimboy” subalit hindi na na-recover ang baril.
Inaalam na rin ng General Santos City Police kung paano napunta sa menor-de-edad ang baril.





Comments