top of page
BULGARY - PRIME MINISTER NG TIMOR-LESTE, NAPASAYAW SA KANTA NG SB19_IG _officialSB19.jpeg

Baril, alahas, gadgets, motor ng alahero, tinangay... 6 pulis na holdaper, huli sa CCTV

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
1 min read

by BRT @News | November 19, 2026



PBBM, FL Liza Marcos at Pres. Donald Trump - PCO

Photo: 9 na suspek kabilang ang 6 na pulis suspek sa umano'y panghoholdap sa dalawang lalaki sa Caloocan City - PNP-PIO



Anim na pulis ang kabilang sa siyam na suspek sa umano'y panghoholdap sa dalawang lalaki sa Caloocan City noong Lunes, Nobyembre 16, kung saan tinatayang P1.2 milyong halaga ng mga gamit ang natangay.


Ayon sa Philippine National Police (PNP), nakipagkasundo ang mga biktima sa isang prospective buyer para sa pagbebenta ng gold bracelet na nagkakahalaga ng P700,000.


Gayunman, nang makarating sila sa napagkasunduang lugar malapit sa isang convenience store sa Caloocan, bigla umano silang tinutukan ng baril at ninakawan ng mga suspek.


Kabilang sa mga natangay ang gold bracelet, motorsiklo, tatlong cellphone at isang baril. Sapilitang isinakay sa sasakyan ang mga biktima bago iniwan sa Diliman, Quezon City.


Isa sa mga biktima ay pulis din.

Sa siyam na suspek, isang police major pa lamang ang naaresto at nahaharap sa reklamong kriminal.


Iniutos naman ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang pagsisimula ng dismissal proceedings laban sa mga pulis na sangkot umano sa insidente.

Patuloy ang pagtugis sa iba pang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page