Barbie, ginawa raw na parang laruan lang… JAK AT JAMESON, PINANDIDIRIHAN NG BARDA FANS
- BULGAR

- Aug 8
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | August 8, 2025
Image: Jameson Blake, David Licauco at Jak Roberto - IG
Hindi na lang kay Jameson Blake galit ang mga BarDa fans nina Barbie Forteza at David Licauco, kundi pati kay Jak Robert.
Bakit daw nakikialam pa si Jak sa relasyon ng ex-girlfriend gayung matagal na silang break?
Isa pang ikinagalit ng mga fans sa ginawa ni Jak ay nang kausapin si Jameson at paalalahanan na alagaan si Barbie. Para raw nitong kinumpirma na may relasyon na sina Barbie at Jameson.
Nagalit ang mga fans sa sagot ni Jak na, “Bagay. Bagay. Saka it’s about time. Sabi ko
kay Jameson, kung ready ka na, kasi may mga deep talks kami, sabi ko sa kanya, ‘Mabait si Barbie. Alagaan mo lang.’”
Nakakadiri raw sina Jak at Jameson na pinag-usapan si Barbie na parang laruan lang na ipinamimigay. Red flag daw ang dalawa at tama raw si Barbie na nakipag-break kay Jak at wish nilang hindi makarelasyon ni Barbie itong si Jameson.
Kaya lang, paano at parang kinumpirma na ni Jak ang relationship ng dalawa?
Ayon pa sa BarDa fans, kung may dapat pagsabihan si Jak na alagaan si Barbie, si David Licauco ‘yun. Ang problema, hindi naman nanliligaw si David kay Barbie at hanggang love team lang sila. May ibang karelasyon ang aktor at alam ito ng mga fans.
NAGBABALIK sina Stella at Fidel, mga karakter na ginampanan nina Bela Padilla at JC Santos sa 100 Tula Para Kay Stella (100TPKS), pero ngayon, sa sequel ng mapanakit na movie, ang 100 Awit Para Kay Stella (100APKS).
After 8 years bago nagawa ang sequel ng unang pinagtambalan nina Bela at JC, kaya excited ang mga sumubaybay sa karakter nila. Kaya lang, may hadlang na naman, may kaagaw si Fidel kay Stella at ‘yun ay si Clyde (Kyle Echarri) na nagpauna nang pasabi na ‘wag sanang magalit sa kanya ang mga nagmamahal kina Stella at Fidel.
Dahil matagal bago nasundan, sabi ni Bela, kailangan niyang panoorin uli ang unang movie nila ni JC para mas makilala uli si Stella — kung paano siya magsalita, kumilos at mannerism para nga naman maayos ang continuity.
As for JC, paulit-ulit niyang binasa ang script at kinilala uli si Fidel para hindi siya maligaw at pati na ang mga fans ng movie ni Director Jason Paul Laxamana.
Batay sa trailer at sa feedback, nagawa nina JC at Bela nang tama ang mga karakter nila.
Sobrang minahal nina Bela at JC ang movie at ang mga karakter nila at willing silang magkaroon ng third sequel. Kaya lang, ang naisip na title ni Bela ay mas masakit sa dalawang naunang pelikula. Kasi naman, 100 Paalam Para Kay Stella at willing siya to co-write the story kung matutuloy na sana, hindi na abutin ng 8 years.
“I love Stella so much, the film and the character. Nagkaroon ako ng box-office movie at first time kong may kumitang pelikula sa 100 Tula Para Kay Stella. I don’t want another actress to play Stella,” wika ni Bela.
Kaya nasabi ni Bela na ayaw niyang may ibang aktres na gumanap sa karakter niya dahil while she was in London, nakatanggap siya ng text message na hindi na siya si Stella, bagay na ikinalungkot niya. Pero ang ending, siya pa rin ang pinili ng Viva Films na gumanap sa naturang karakter.
WELCOME na welcome sa mga fans ang balitang balik-tambalan sina Julia Barretto at Enrique Gil sa Hello, Heaven (HH), isang series na mapapanood sa TV5. Collab ito ng TV5 at Project 8 nina Directors Dan Villegas at Tonet Jadaone.
Para maiba raw ang napapanood nilang tambalan sa telebisyon at saka, bagay na bagay ang dalawa na magkapareha.
Una nang nagtambal sina Julia at Enrique sa Mirabella ng ABS-CBN. May mga nagtanong kung TV5 na raw ba si Enrique at wala na siya sa Star Magic at ABS-CBN?
May fan si Enrique na sumagot na wala na sa Star Magic ang aktor at pumirma na siya ng kontrata sa MediaQuest at first project niya ito sa TV5.
Wala pang ibang detalye sa HH, gaya ng sino ang director at kung sino ang makakasama ng mga bida.
Sana raw, bigatin ang cast na makakasama nina Julia at Enrique para mas maganda at para mas subaybayan ng mga fans at casual televiewers.










Comments