BARBIE, ‘DI MA-TAKE NA VIRGIN PA RIN
- BULGAR

- 4 hours ago
- 4 min read
by Janiz Navida @Showbiz Special | September 4, 2026

Photo: IG _barbaraforteza
Super laughtrip movie ang Saving Cherry ng Regal Entertainment na pinagbibidahan ng Kapuso actress na si Barbie Forteza, kasama ang mga gumanap na dabarkads niyang sina Mikee Quintos, AC Bonifacio, Mika Salamanca at Sassa Gurl.
Bagama’t may mga drama scenes din naman sa pelikulang palabas na simula nu’ng September 2 pa, mas marami ang comedy scenes at achieved na achieved talaga ng direktor na si Direk Ivan Andrew Payawal na mabigyan ng kakaibang level of entertainment ang mga moviegoers sa ginanap na premiere night nito nu’ng Martes, Sept. 1 sa Gateway Cinema 11.
Pak na pak ang mga comedy scenes ni Barbie with her dabarkads at maloloka ka na lang sa mga trip nila bilang magkakabarkada.
Ibang klase si Barbie sa movie na ‘to bilang si Cherry, ang bride na sa unang gabi pa lang ng kasal ay pinagtaksilan na ng asawang ginagampanan ni Khalil Ramos.
Napakahusay ni Barbie sa pagbibitaw ng bawat linya, mapa-drama o comedy. Kung para sa iba, may pagka-exagg ang kanyang acting, mas maraming naka-appreciate ng pagiging aktres ni Barbie na mahirap mapantayan ng mga kakontemporaryo niya ngayon sa showbiz.
Aliw much kami sa eksenang paulit-ulit na sinasabi ni Barbie ‘yung “Virgin pa rin ako?” na may iba’t ibang emosyon at todo-support naman sa kanyang pinagdaraanan sina Mikee, AC, Mika at Sassa.
Kung nakilala si Barbie sa mga roles na wholesome o tamang pa-cute o pa-demure lang, dito sa Saving Cherry, wild na wild siya to the point na siya ang naghahanap ng lalaking ‘wawasak’ sa kanyang pagkababae. Hahaha!
Grabe ang tawanan sa loob ng sinehan at paulit-ulit naming narinig ‘yung “Ang husay-husay ni Barbie!”
Agree kami na si Barbie ang isa sa mga artista ngayong tatagal sa industriya ng ilang dekada hindi lang dahil sa kanyang husay kundi maging sa kanyang propesyonalismo at dedikasyon sa trabaho bilang aktres.
In fact, maging ang Regal Entertainment producer na si Ms. Roselle Monteverde ay bilib na bilib at puring-puri si Barbie sa galing niya sa Saving Cherry, kaya hindi malayong magkaroon pa ng Part 2 o kasunod na project si Barbie sa Regal Entertainment.
Bukod sa mga nabanggit, kasama rin sa cast ng Saving Cherry sina Joey Marquez, Almira Muhlach, JC Alcantara, Kokoy de Santos, Monina Lawrence at introducing si Than Perez.
Showing na ngayon in all cinemas nationwide ang Saving Cherry at kung gusto n’yong mawala ang stress n’yo, heto ang panoorin n’yo, mga Ka-BULGAR!
KATHRYN, LAGLAG NA SA MGA ANAK-ANAKAN NI SHARON
SA guesting naman ni Sharon Cuneta kahapon sa Fast Talk with Boy Abunda, puring-puri ni Megastar ang kanyang co-star sa Honor Thy Mother TV series at bagong anak-anakan sa showbiz na si Barbie Forteza.
“She’s not a good actress. She’s a great actress,” ang papuri pa ni Mega kay Barbie, sabay pag-aming mas close na sila ngayon dahil mas nakilala na nila ang isa’t isa sa taping ng Honor Thy Mother.
Sinabi rin ni Ate Shawie na bukod kay Barbie, itinuturing din niyang anak-anakan sa showbiz sina Julia Montes, Alden Richards, Julia Barretto at Khalil Ramos na kasama rin nila ni Barbie sa Honor Thy Mother.
Wait, parang may kulang. Nakalimutan lang kayang banggitin ni Ate Shawie ang name ni Kathryn Bernardo na nang makasama niya noon sa Three Words to Forever movie with Richard Gomez ay sinabi rin niyang anak-anakan niya at boto pa nga raw siya kung sakaling sina Kathryn at Alden ang magkakatuluyan.
Hmmm… ‘Wag naman sanang ipako sa krus si Ate Shawie ng mga fans ni Kathryn, ‘no? Mukhang ‘di naman intentional ‘yung ‘di niya pagkakabanggit sa name ni Kathryn.
Patay talaga tayo d’yan!
AKTOR-DANCER, NAGHUBAD NG SAPATOS, AMOY-PATAY NA DAGA ANG PAA
BLIND ITEM:
HEARTTHROB nu’ng kanyang kabataan ang guwapong aktor-dancer. Maraming nagkaka-crush sa kanya hindi lang sa showbiz kundi pati mga fans ay pinapantasya siya.
Dahil sikat na sikat siya noon, may team mula sa isang broadsheet (writer kasama ang kanyang mga photographers) ang nag-request na ma-interview ang aktor at mai-feature ang kanilang bahay.
Mabait naman daw ang aktor at madaling kausap. Very accommodating din ito at tinanggap sa kanilang bahay ang team na magpi-feature sa kanya.
Ang eksena, nauna raw na dumating ang team sa bahay ng aktor at dahil pauwi pa lang ang aktor na galing kung saan, pinaghintay sila sa sala.
Malinis sa bahay ang pamilya ng aktor kaya bawal ipasok sa loob ang mga sapatos.
Bago pumasok sa sala, isa-isa nilang tinanggal ang kanilang mga sapin sa paa at wala namang nagreklamong may naamoy na mabaho.
Pero heto na, nang dumating ang aktor at nagtanggal ng shoes bago pumasok sa bahay, shookt ang team na waiting galore sa kanya dahil biglang nag-iba ang simoy ng hangin, biglang umalingasaw sa sala ang amoy patay na daga!
Nagkatinginan ang writer at mga photogs niya dahil iisa ang laman ng isip nila – amoy-patay na daga ang paa ng aktor.
Well, gusto na sanang umatras ng team, pero bilang mga propesyonal, nang yayain sila ng aktor ay sumunod naman sila para makunan ang loob ng room nito.
Naka-aircon ang room ng aktor, kaya can you imagine ang hitsura ng writer at mga photographers habang magkakaharap silang nag-uusap nang nakaupo sa sahig nang naka-cross legs at naaamoy nila ang amoy-patay na dagang paa ng aktor?
Tawang-tawa kami sa chika ng aming source na akala raw niya ay katapusan na ng buhay nila ‘yun dahil halos malason sila sa mabahong amoy ng paa ng aktor.
Well, may-edad at asawa na ngayon ang aktor, kaya siguro naman, naaalagaan na ng kanyang asawa ang hygiene niya, dahil kung hindi pa rin, baka mabalitaan na lang nating naghiwalay sila dahil sa… amoy-patay na dagang paa ng aktor!
Naku po, ‘di na kami magbibigay ng clue at patay talaga tayo d’yan ‘pag nahulaan ng aktor ang sarili niya.





Comments