top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

‘Barangay kontra dengue’, buhayin uli ng LGUs – DILG

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 7, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | September 7, 2022



Pinayuhan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) na i-activate na ang kanilang barangay inter-agency efforts kaugnay sa paglaban sa dengue virus, kung saan ang bilang ng mga kaso nito ay patuloy na tumataas.


Sa isang statement ngayong Miyerkules, sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos na ang Aksyon Barangay Kontra Dengue (ABKD) ay itinatag simula noong 2012 at nakatulong ito para mapigilan ang pagdami ng mga dengue incidents.


“Dengue remains to be a public health threat and with the escalating cases in the country today, LGUs must take a proactive stance and implement strategies to protect our people in the communities from this deadly disease,” pahayag ni Abalos.


Ayon sa DILG, ang mga barangay captains ang naatasan na manguna sa clean-up drives at magpakilos sa mga volunteers, mga residente, at barangay health teams gaya ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) at barangay health workers.


Inaasahan din ang mga mayors na i-monitor ang pangkalusugang sitwasyon ng kanilang mga lugar, magbigay ng dengue data sa mga ahensiya, at tiyakin na ang mga dengue patients ay nabibigyan ng medikal na atensyon.


Hinimok naman ni Abalos ang publiko na isagawa ang ‘Enhanced 4S’ -- search and destroy breeding sites, seek early consultation, self-protection, and say ‘yes’ to fogging – sa mga hotspot areas lamang kung saan naitala ang pagtaas ng mga kaso nito sa dalawang magkasunod na linggo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page