Barangay Elections nagpaparamdam na
- BULGAR
- Jun 1, 2022
- 1 min read
@Editorial | June 1, 2022
Ramdam n'yo na ba ang isa pang halalan? Ang nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.
Bagama't sa Disyembre pa ito, kapansin-pansin na nagpaparamdam na ang mga nais na kumandidato.
Inaasahang magiging mas mainit, makulay at maingay ang pambarangay na halalan kesa sa nagdaang nasyunal.
Social media pa rin ang magsisilbing 'battle ground' ng mga supporters.
Nakakalungkot dahil halos kapapahinga lang natin mula sa pagbabasa at panonood ng 'word war', may parating na naman. Wala tayong magagawa dahil bahagi ito ng malayang pangangampanya.
Gayunman, ang nais sana nating mabasa o mapakinggan ay 'yung mga makabuluhang nagawa ng mga kasalukuyang opisyal na gustong tumakbo uli o ang magagandang plano ng mga bagong sasabak.
Higit kaninuman, ang mga barangay officials ang nakakaalam ng tunay na sitwasyon ng mamamayan lalo na ng mga mahihirap.
Kaya umaasa tayo na mga karapat-dapat ang manatili at maluklok sa puwesto.



Comments