- BULGAR
Barangay at SK elections, postponed ulit
ni Lolet Abania | August 16, 2022

Tuluyan nang ipinagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Disyembre 5, 2022 ng House committee nang isang taon.
Sa botong 12 pabor, 2 ang tutol ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, na-convene ang panukala na layong ipagpaliban ang barangay elections.
Napili naman ng House panel ang unang Lunes ng Disyembre 2023 bilang bagong petsa para sa BSKE.
Nagpasya rin ang panel na isama sa panukala na ang mga mananalo sa 2023 BSKE ay magsisimula ang termino sa Enero 1, 2024 para sa period ng 3 taon.
Nagbigay-katwiran naman ang mga may-akda ng 38 bills para sa postponement nito.
Marami ang nagpahayag sa kanila na may matitipid mula sa pagpapaliban ng eleksyon habang makatutulong sa paggamot sa mga sugat o “wounds” na naidulot ng May 2022 elections.
Ilan din sa kanila ang nagsabing na dahil sa COVID-19 pandemic kailangan na mabigyan ang mga incumbents ng mas maraming panahon para maimplementa ang kanilang mga programa.
“This isn’t the first time we are postponing barangay elections, it's something that we do every so often. So therefore I earnestly request our committee and our colleagues in the plenary to pass this bill," pahayag ni Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo.
Sina Commission on Elections (Comelec) Chairperson George Garcia at Commissioner Rey Bulay, na siyang in charge sa barangay at SK polls, ay naroon din sa talakayan.
Nagbotohan ang House panel isang araw matapos na ipahayag ng Comelec na kanilang itutuloy ang nakaiskedul na printing ng ballots sa Setyembre.
Samantala, ang poll watchdogs na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), Legal Network for Truthful Elections (Lente) at ang National Citizens Movement for Free Elections ay nagpahayag naman ng suporta para sa pagsasagawa ng December 2022 elections.
“We believe that the said election has long been overdue, being postponed for 3 times already,” sabi ni Carlo Africa ng Lente.
“It defeats the purpose of the 3-year term limit which is supposed to be consistent and periodic,” dagdag ni Africa.
Noong 2018, isinagawa ang huling barangay at SK elections.