top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Bara-barang disinfection sa PUVs, stop!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 16, 2021
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | March 16, 2021



Mula nang pumutok ang COVID-19 pandemic, kani-kanyang diskarte tayo upang makaiwas sa virus.


Nariyan ang pagsusuot ng facemask at face shield, social distancing at madalas na paghuhugas ng mga kamay.


Kabilang din ang disinfection upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19, ngunit paano kung bara-bara ang disinfection, lalo na sa pampublikong transportasyon?


Kaugnay nito, viral ngayon ang video ng bara-barang disinfection sa MRT-3. Makikita sa video na tinatapik lang ng pamunas ang mga train handle, bagay na inamin ng pamunuan ng MRT-3 na mali ang paraan ng disinfection.


Dahil dito, nahaharap sa disciplinary action ang mga tauhang sangkot sa insidente.


Sa totoo lang, nakadidismayang makakita ng ganitong eksena, lalo pa’t paulit-ulit tayong nagpapaalala na doblehin ang pag-iingat laban sa COVID-19 dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso nito.


Isa pa, kabilang ang pampublikong transportasyon sa mga lugar na may hawaan, kaya kung nasusunod ng mga pasahero ang minimum health standards, ngunit hindi naman ito nalilinis nang tama, wa’ ‘wenta ang effort ng publiko.


Kaya ang tanong, paano magiging kumpiyansa ang publiko na ligtas ang ating pampublikong transportasyon kung ganito ang makikita nila?


Sana ay magsilbi itong paalala sa ating lahat — mapa-cleaners man o komyuter — na magdoble-ingat sa lahat ng oras.


Samantala, ang paalalang ito ay hindi lamang para sa mga PUVs dahil bukod pa rito, kailangan din ng epektibong disinfection ang mga pampublikong lugar at establisimyento.


Pakiusap sa lahat, ‘wag nating balewalain ang hakbang na ito dahil alam natin kung gaano ito kahalaga upang makaiwas sa COVID-19.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page