top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Baon sa utang ang mga Pinoy, kabi-kabila ang bill ng tubig at elektrisidad, grabeng buhay!!!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 6, 2021
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | February 6, 2021



Nagkaletse-letse na ang buhay ng mga Pinoy.


Napuputol na ng serbisyo ang mga water at power distributors.


Binabastos na nila ang kautusan ni P-Digong!


◘◘◘


Kaawa-awa ang mga nawawalan ng serbisyo ng tubig at elektrisidad dahil sa kawalan ng trabaho ng head of the family.


Dapat may espesyal na tulong ang gobyerno.


Kumbaga, ipakita sa LGU ang bill at notices—at dapat garantiyahan ito ng barangay official o LGU executives para hindi “putulan ng serbisyo”!


◘◘◘


Eksakto ang panukalang extra ordinary measures na inirerekomenda ng grupo ni dating Speaker Alan Peter Cayetano.


Ito ay ang pagkakaloob ng P10, 000 bawat pamilya dili kaya ay tig-P1, 500 kada miyembro ng pamilya—o kung alin ang mas malaki.


Masasagip ng naturang ayuda kung nababaon man sa utang ang mga nagdarahop!

◘◘◘


Walang inilalaan ang gobyerno na pambayad ng utang ng naghihirap, bagkus ay panay sila ayuda ng relief goods.'


Mayroon bang ordinaryong Pinoy na walang utang?


Sa gitna ng pandemya, baon sa utang ang Pinoy at kabilang na ang bill o gugulin sa konsumo ng tubig at elektrisidad!


◘◘◘


Binansagan ang panukala bilang Bangon Pamilyang Pilipino (BPP) Assistance Program.


Inendorso rin ang panukala sa Kongreso ni Congw. Lani Cayetano, Rep. LRay Villafuerte , Raneo Abu, Dan Fernandez, Jose Antonio Sy-Alvarado, at Michael Defensor.


Malaking ginhawa ito habang naghihintay ng bakuna ang mamamayan na inaasahang makapagtuturok ngayong buwan ito o kaya sa Marso!


◘◘◘


Sumadsad na ang ekonomiya ng bansa sa negatibong antas.


Pinakagrabe ito higit pa sa naranasan sa panahon ng World War II o “Panahon ng Hapon”!

◘◘◘


Inamin ng mga eksperto na nawawala ang P2.5 bilyon kita araw-araw ng buong populasyon.


Ang House Bill 8597 (BPP) ay titiyak na magkakaroon ng panggastos ang mga nagdarahop habang naghihintay sa “bagong normal”!


◘◘◘


Bibigyan ng prayoridad sa BPP Act mga senior citizens, persons with disabilities, solo parent, nawalan ng trabaho, medical frontliner, pamilya ng overseas Filipino workers (OFWs), mamamayang hindi nakatanggap ng Social Amelioration Program (SAP), may Philippine National ID, at nasa vulnerable sektor.


◘◘◘


Ayon kay Cayetano, kapag maipasa ang nasabing panukalang-batas ay makatutulong din umano ito na “lumakas ang household consumption, na makatutulong sa pagbangon ng ekonomiya”.


Milyun-milyong obrero ang nawalan ng trabaho, maraming negosyo ang nagsara, at limitado pa rin ang galaw ng mga tao para maghanap ng mapagkakakitaan!


◘◘◘


Dapat lang ituloy ang pamimigay ng ayuda upang matulungan hindi lang ang consumer kundi pati ang mga supplier at buong ekonomiya ng bansa.


Ang ating panawagan sa liderato ngayon ng Kamara ay sana naman aksiyunan agad ang panukalang ito.


Mahaba-haba pang panahon ang titiisin ng ating bansa bago masawata ang COVID virus, kailangan magtulungan at iwasan ang pamumulitika!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page