Bantay sa laro ng MPBL ang OKBet, pormal na pinagtibay
ni Anthony E. Servinio - @Sports | June 14, 2022

Bago makaporma ang mga kritiko, ipinagtanggol agad ni Commissioner Kenneth C. Duremdes ang pagpasok ng OKBet bilang title sponsor ng kasalukuyang tumatakbong 2022 Maharlika Piilipinas Basketball League (MPBL). Pormal na ipinagtibay ang samahan ng liga at ng kompanya noong Linggo sa isang makulay na palabas na dinaluhan ng kinatawan ng kanilang 22 koponan.
Tiniyak ni Commissioner Duremdes na patuloy na babantayan ng kanyang opisina ang mga kaganapan sa mga laro at gagawa ng aksyon kapag ay makitang kahina-hinala. Kasama nila dito ang pagsubaybay ng Games and Amusements Board (GAB) at ang OKBet mismo.
Ayon kay Atty. Victoria Gilera, may sarili silang mekanismo na babantay sa mga laro upang matiyak na linalaro ito na may integridad. Ang OKBet ay nabigyan ng basbas ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) nitong taon na maging isang tagakuha ng mga taya online kaya may seguridad ang publiko.
Malugod na tinanggap ni Commissioner Duremdes ang pagpasok ng OKBet dahil makakasiguro na magtutuloy pa rin ang tinaguriang “Liga ng Bawat Pilipino”. Sa panig ng OKBet, ang pagtulong nila ay bahagi ng kanilang layunin na tulungan hindi lang ang basketball kundi ang buong Philippine Sports sa pagtuklas at paghubog ng mga bagong atleta at bigyan sila ng pagkakataon na ipakita ang kanilang husay.
Ang mga nasa North ay ang Nueva Ecija Rice Vanguards, Bataan Risers, Sta. Lucia Realtors Pasig, MJAS Zenith Valenzuela, Caloocan Excellence, Go For Gold San Juan Knights, Pampanga Giant Lanterns, MNL Kingpin Makati, Marikina Shoe City, Manila Stars and MG Quezon City Capitals. Ang South ay binubuo ng Bingo Plus Bacolod, Embassy Chill Batangas, Sarangani Marlins, Family’s Brand Sardines Zamboanga, XentroMall Rizal Coolers, Imus Bandera, General Santos Warriors, Krah Laguna Heroes, EOG Mindoro Tamaraws, Bacoor Strikers at ang humabol noong nakaraang linggo na Muntinlupa Cagers upang mapantay ang dalawang grupo.





Comments