Bantag, nagparamdam nang susuko — Remulla

ni Madel Moratillo | April 21, 2023

Nagparamdam na umano si dating Bureau of Corrections Dir. Gen. Gerald Bantag na nais na nitong sumuko.
Ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, nakipag-ugnayan si Bantag sa isang miyembro ng gabinete kung saan ito nagsabing gusto na nitong sumuko.
Ang pag-uusap ng dalawa ay naganap aniya 5 o 6 na araw na ang nakalilipas.
Wala pa naman daw pasabi ang kampo ni Bantag kung may hihingin itong kondisyon kapalit ng posibleng pagsuko.
Giit ni Remulla, mahirap magtago sa batas at mahirap ding maging wanted.
Naniniwala ang kalihim na nasa Pilipinas pa rin si Bantag lalo at may Hold Departure Order laban dito.
Mayroon ding warrant of arrest laban sa kanya na inisyu ng korte sa Muntinlupat at Las Piñas.





Comments