top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Bangko, iba pang financial institutions, katuwang vs. vote buying

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 15, 2023
1 min read

@Editorial | October 15, 2023


Sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), kani-kanyang plano na ang mga kandidato upang makuha ang boto ng taumbayan.


Batid din natin na kapag panahon ng eleksyon, talamak ang vote buying at vote selling.


Kaya naman nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa mga bangko at financial institution laban dito.


Nanawagan si BSP Deputy Governor Chuchi Fonacier sa mga financial institution na magpatupad ng mga hakbang upang maiwasan ang maling paggamit ng financial system.


Ang mga paalala aniya ay ang pagsisikap ng pamahalaan at Commission on Elections (Comelec) na pigilan ang pagbili at pagbebenta ng boto.


Dapat din umanong maghigpit ang mga financial institutions sa kanilang kontrol sa pagtukoy sa mga posibleng pagdagsa ng mga kahina-hinalang account at transactions habang nalalapit ang halalan.


Dapat na magsumite ang mga institusyon ng mga kahina-hinalang report ng mga transaksyon sa Anti-Money Laundering Council.


Kaya sa panahon ng eleksyon, bantayan sana ang bawat barangay upang maiwasan ang vote buying at parusahan ang magbebenta at bumibili ng boto.


Panawagan naman sa publiko, umiwas na tayo sa mga ilegal na gawain at ‘wag magpatukso sa mga nag-aalok ng vote buying. Pumili tayo ng karapat-dapat na kandidato dahil nasa ating mga kamay ang kinabukasan ng ating komunidad.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page