top of page
LET’S SEE - AGOT, BIANCA, DINGDONG ATBP. ATENISTA, TAMEME SA KAHIHIYAN NG ATENEO SA PAGKAM

Bangkay ng mag-amang construction worker, nahugot sa gumuhong hotel

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 30
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | May 30, 2026



Rescuer sa gumuhong gusali sa Pampanga - BFP Central Luzon

Photo: BFP Central Luzon



Magkasunod na nahugot ng mga rescuer ang labi ng mag-amang construction workers na kabilang sa mga natabunan ng gumuhong gusali sa Brgy. Balibago, Angeles City, Pampanga.


Unang narekober nitong Huwebes ng madaling-araw ang labi ng 26-anyos na si Christian Sabile kasunod namang nakuha nitong Biyernes ng madaling-araw ang labi ng kanyang amang si Roberto Sabile, 51. Kapwa residente ng Camarines Sur ang mag-ama.


“Agad itong na-identify ng kanilang mga pamilya, nandito po sila sa ating mga tents,” ayon kay Jay Pelayo ng Angeles City Public Information Office.


Natagpuan ang kanilang mga labi sa Sector 1, malapit sa entrada ng site, sa pamamagitan ng K-9 rescue dog.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page