Bangkay, natagpuan sa CR... 74-anyos na lola, patay sa sunog

ni Mervin Reyes @News | September 17, 2026

Photo: Ang sunog sa gilid ng Dumacaa River - Circulated / FB Carmela Sy Garde
Patay ang isang 74-anyos na babae matapos masunog ang kanyang bahay sa gilid ng Dumacaa River sa Lucena City nitong Martes.
Ayon sa Lucena City Police, sumiklab ang sunog alas-3:30 ng hapon sa residential area sa ilalim ng isang tulay sa Brgy. Market View.
Umabot sa 17 bahay, karamihan ay gawa sa light materials, ang nasunog bago naapula ng mga bumbero makalipas ang mahigit isang oras.
Natagpuan ng mga bumbero ang sunog na labi ng biktima sa loob ng comfort room ng kanyang bahay.
Hindi naman malinaw kung nasaan ang kanyang mga kapamilya nang sumiklab ang apoy.
Umabot sa 34 pamilya ang nawalan ng tirahan at pansamantalang dinala sa evacuation center, kung saan tumatanggap sila ng tulong mula sa mga social worker ng lokal na pamahalaan.
Tinatayang P300,000 ang halaga ng napinsalang ari-arian.
Patuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng sunog.





Comments