top of page
BULGARY - NETIZENS, NAAARTEHAN NA KINA SARAH AT MATTEO_IG _matteog.jpeg

Bangkay nasa CR... 2 Babae na-trap sa sunog, dedo

Writer: BULGAR
BULGAR
17 hours ago
1 min read

by Mai Ancheta @News | November 8, 2026



Ride hailing app service - LTFRB

Photo: Patay ang dalawang babae matapos ma-trap sa nasusunog na apartment building sa Barangay Pala-o, Iligan City. (Mai Ancheta)



Patay ang dalawang babae makaraang tupukin ng apoy ang walong pintuang apartment building sa Brgy. Pala-o, Iligan City.


Kinilala ng Iligan City Police ang mga nasawi na sina Fatima Monteron, 26 at Cyzra Jean Nasin, 20.


Na-trap umano ang mga biktima sa kanilang inuupahang unit dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy at natagpuan ang kanilang bangkay sa loob ng comfort room.


Madaling-araw nangyari ang sunog habang nasa kasagsagan ng mahimbing na tulog ang mga tenant sa apartment at naapula ang apoy makalipas ang dalawang  oras.


Limang pamilya ang naapektuhan at nawalan ng tirahan at ngayo'y tinutulungan ng lokal na pamahalaan ng Iligan City.


Inaalam pa ng mga bumbero ang pinagmulan ng apoy na tumupok sa apartment.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page