top of page

Bangka tumaob, 22 sakay nailigtas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 10
  • 1 min read

ni Mai Ancheta @News | Mar. 10, 2025



Mga pasahero ng tumaob na motorbanca habang nag-island hopping sa Polillo island. (Mai Ancheta)

Photo: Mga pasahero ng tumaob na motorbanca habang nag-island hopping sa Polillo island. (Mai Ancheta)


Nailigtas sa tiyak na kapahamakan ang 22 lokal na turista, kabilang ang ilang menor-de-edad matapos tumaob ang sinasakyang motorbanca malapit sa sandbar ng Kukok Island sa Brgy. Canicanian, Polillo, Quezon nitong Sabado.


Sa report ng Philippine Coast Guard, nag-island hopping ang mga biktima na pawang mga taga-Metro Manila at patungo na sa island nang mangyari ang pagtaob ng kanilang bangka.


Agad na nakaresponde ang mga operatiba ng PCG Substation Burdeos at Bureau of Fire Protection ng Polillo kaya nailigtas lahat ng pasahero, kasama na ang crew ng motorbanca.

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page