Bangka lumubog, 19 na-rescue

ni Mai Ancheta @News | November 4, 2026

Photo: Lapu Lapu CIty Rescue
Nailigtas sa tiyak na kapahamakan ang 19 katao matapos lumubog ang kanilang sinasakyang motor banca sa pagitan ng Olango Island at Punta Engaño sa Lapu-Lapu City nitong Martes ng umaga.
Batay sa report ng Lapu-Lapu City Rescue, ang mga pasahero ay galing sa Bohol para dumalaw sa sementeryo at pabalik na sa Cebu nang mangyari ang aberya.
Nagkaroon umano ng problema ang makina ng bangka at pinasok ng tubig ang sasakyan.
Maagap namang sumaklolo ang mga operatiba ng Philippine Coast Guard at MV Edgel Express V na napadaan sa lugar.
Ang mga nakaligtas na biktima ay dinala sa Hilton Wharf at agad na sinuri ang kondisyon.
Iniimbestigahan na ng PCG Lapu-Lapu City Station ang kapitan ng motor banca kaugnay sa insidente.





Comments