top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Bangayan nina P-BBM at Ex-P-Digong non-stop, mas titindi pa

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 12, 2024
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Pebrero 12, 2024


BANGAYANG P-BBM AT FPRRD, WALA NA YATANG KATAPUSAN -- Matapos sabihin ni ex-P-Duterte na adik daw sa cocaine si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) at buweltahan ng Presidente na nakakaadik din daw ang tini-take na fentanyl ng ex-president, ay sinundan ito ng statement ni ex-P-Duterte na nais na niyang ihiwalay sa Pilipinas ang Mindanao, na tinugon naman ni P-BBM na unconstitutional ang nais mangyari ng dating pangulo. Eh, baka sa susunod mas tumindi pa.


Talaga nga yatang wala nang katapusan ang bangayang FPRRD (former Pres. Rodrigo Roa Duterte) at P-BBM, tsk!

◘◘◘


MINDANAO, KAYA GUSTONG IHIWALAY NI EX-P-DUTERTE SA ‘PINAS KASI ‘WEAK LEADER’ DAW SI P-BBM -- Sabi ni former presidential spokesman Harry Roque na kaya raw nais ni ex-P-Duterte na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas para magtatag ng sariling bansa na tatawaging Republic of Mindanao ay dahil nakikita raw ng dating presidente ang kawalang pag-asa ng ‘Pinas sa ilalim ng liderato ng Marcos administration.


Kumbaga, parang sinabi na rin ni Roque na totoo ang binanggit noon ni ex-P-Duterte na “weak leader” si P-BBM kaya nais ng ex-president na magtayo ng Republic of Mindanao, boom!

◘◘◘


IMBES MASAWATA ANG SMUGGLING MAS LALONG LUMAGANAP PA KAYA DAPAT MAG-RESIGN NA SI COMM. RUBIO, AT KUNG AYAW MAG-RESIGN DAPAT SIBAKIN NI P-BBM -- Inamin ni Bureau of Customs (BOC) spokesman Vincent Philip Maronilla na tumaas ang “outright smuggling” sa Pilipinas sa pamamagitan ng “backdoor channels” na ang ibig sabihin, ang mga smuggler ay gumagamit ng mga maliliit na barko at ikinakarga sa malalaking barko ang kanilang mga smuggled product.


Aba’y kung ganyan na imbes masawata ay mas tumataas pa ang bilang ng smuggling sa bansa ay dalawang bagay lang ang dapat mangyari, mag-resign sa puwesto si Customs Commissioner Bienvenido Rubio, at kung ayaw mag-resign, dapat sibakin siya ni P-BBM, period!

◘◘◘


MAY DIREKTIBANG ‘NO TAKE POLICY’ SI GEN. LUCAS, PERO MAY ALYAS ‘TSAN’ NA SUMUWAY AT NAGPAPAKOLEKTA NG ‘TONGPATS’ SA CALABARZON -- Isang alyas “Tsan” daw na lider ng sindikato ng protection racket sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (Calabarzon) ang nagkakamal linggo-linggo ng higit P1 milyong “tongpats” sa mga ilegalista sa mga lalawigang ito.


Dapat ipa-tokhang agad ni PNP-Region 4-A Director, Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas ang lider ng “tongpats collection” sa Calabarzon kasi mahigpit ang utos niya sa mga kapulisan na “no take policy” sa mga gambling lord, tapos may isang alyas “Tsan” na nagpapakolekta ng “tongpats” sa mga ilegalista sa Calabarzon, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page