Banchero bida sa panalo ng Bolts, Giga hindi nakaporma
- BULGAR
- Nov 27, 2023
- 1 min read
ni Clyde Mariano @Sports | November 27, 2023

Nanaig ang Meralco Bolts at kinuryente ang Talk ‘N Text, 109-95 at umabante sa pangalawang puwesto kasosyo ang nagpapahingang Phoenix sa parehas na kartadang 3-1 sa 48th PBA Commissioner’s Cup sa Philsports Arena sa Pasig kagabi.
Nagsanib-puwersa sina Chris Banchero, import Suleiman Braimoh Jr. at Chris Newsome at sinira ang depensa ng TNT para kunin ang pangatlong panalo at panatilihin ang paghahari sa reigning Governors Cup champion na tinalo nila, 108-90 sa nakaraang conference sa ilalim ni coach Norman Black.
Ang talo ay pangalawa ng TNT sa apat na laro at bumagsak sa pang-apat na puwesto sa likuran ng undefeated league-leading Magnolia 4-0.
Mainitan ang laro nang itulak ni Rondae Hollis Jefferson si Banchero na pinatawan ng referee ang TNT import ng technical foul sa huling 31 seconds lamang ang Meralco 109-95.
Umiskor si Hollis Jefferson ng game high 47 points at 12 rebounds. Subalit nabigo ang kaliweteng TNT reinforcement. Umiskor si Braimoh ng 37 points, 21 points sa second half, at 10 rebounds, habang si Banchero ay 18 points at Newsome 12, anim sa fourth quarter kasama ang top-of-the-key 103-90 sa 3:02 minutes na natitira sa last quarter.
Sinabi ni coach Luigi Trillo na nasorpresa siya sa magandang nilaro nina Banchero sa crucial fourth quarter. “Chris, (Banchero), Chris (Newsome) and Braimoh delivered the needed points in the payoff period. They were there shooting from all corners and the defended well preventing the enemies from scoring.” sabi ni Trillo.
Hindi organisado ang laro ng TNT dahil maraming sablay at errors. Inconsistent ang laro ng mga locals at si ace gunner Jayson Castro ay nabokya sa fourth quarter sa depensa ni Banchero.





Comments