top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Warriors, umentra na sa Finals, kampeon sa West

BULGAR
May 28, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | May 28, 2022



Pasok na ang Golden State Warriors sa 2022 NBA Finals matapos tapusin ang kampanya ng Dallas Mavericks, 120-110, sa Game 5 ng Western Conference Finals kahapon mula sa Chase Center. Hihintayin na nila ang magwawagi sa Eastern Conference kung saan lamang ang Boston Celtics sa Miami Heat papasok sa Game 6 ngayong araw, 3-2.

Nabitin ang Warriors na walisin ang serye noong Game 4 noong isang araw, 109-119, kaya nanigurado sila at hindi pinaporma ang bisitang Mavs. Minsan lang nakatikim ng tabla ang Dallas, 2-2, at mula roon ay walang nakapigil sa martsa ng Golden State.

Pumutok para sa tig-walong puntos sina Andrew Wiggins at Klay Thompson at kinuha ng Warriors ang first quarter, 28-23. Sa sobrang ganado ng Golden State ay biglang lumobo ang kanilang lamang, 87-62, subalit hindi basta sumuko ang Dallas at tinapyas ang agwat sa 10 na lang papasok sa 4th quarter, 84-94.

Kumuha ng hindi inaasahang opensa ang Warriors kay Draymond Green at sinuportahan siya na Thompson para sa pinagsamang 15 puntos. Tumira ng 3-points si Stephen Curry upang itayo ang 118-102 abante papasok sa last 2 minute at ito ay naging sapat para maselyuhan nila ang tagumpay at ang seryeng best-of-seven. "To get back again is special for all of us," ayon kay Warriors coach Steve Kerr. "It's pretty amazing. It's so difficult to get to the finals. It's exhausting, stressful, emotional, all that stuff. To be in the finals six times in eight years, it just takes an enormous amount of skill and determination and work and I couldn't be prouder of my guys."

Bumanat ng walong tres si Thompson upang magtapos na may 32 puntos. Sinundan siya ni Andrew Wiggins na may 18 puntos at 10 rebound. Hindi sumapat ang 28 puntos ni Luka Doncic. Nag-ambag ng 26 puntos si Spencer Dinwiddie.

Pakay muli ng Warriors na makuha ang titulo mula noong 2018 sa isang showdown sa Hunyo.Malaking paborito ang Celtics na tapusin ang serye ngayong araw kontra sa bisitang Heat. Kung sakali, ito ang magiging unang pagkakataon sa mayaman na kasaysayan ng prangkisa na lalabanan nila ang Warriors sa NBA Finals.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page