Balik karera sa Enero 19
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | January 16, 2022
Nabuhayan ang mga karerista dahil muling magbabalik ang aksyon sa karerahan.
Naglabasan sa social media ang anunsyo ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) na pumayag na silang ibalik agad ang bakbakan sa pista at ito'y gagawin sa Miyerkules.
"The Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) Board has approved the resumption of horse racing starting 19 January 2022 (Wednesday)," saad ng PHILRACOM.
"Sana nga, nakakaalis kasi ng stress ang karera, nakakalibang lalo na kapag makakapanood ka ng magandang labanan," saad ni Julius Corpuz, karerista.
Naglatag lang ng safety protocols ang Inter-Agency Task Force, (IATF) na kailangan masunod para maiwasan ang pagkakaroon ng hawahaan at maging ligtas na rin laban sa COVID-19.
"All stakesholder are strongly encourage to abide by all Department of Health (DOH) and Inter Agency Task Force (IATF) health and safety protocols to mitigate the spread of COVID-19 with the resumption of the races." - PHILRACOM.
Noong Miyerkules ay pansamantalang itinigil ng PHILRACOM ang operation sa karerahan upang suportahan ang panawagan ng gobyerno na mag-ingat sa mapaminsalang COVID-19.
Nakakuha naman ng magandang komento ang PHILRACOM sa pamumuno ni chairman Reli De Leon mula sa mga karerista nang magbaba sila ng anunsyo na tigil muna ang karera.
"Mabuti 'yung desisyon na ginawa ng PHILRACOM noong nakaraan, kasi para sa kaligtasan ng mga hinete, trainers, karerista at mga nagta-trabaho sa karerahan," ani Felipe Cortez, veteran karerista.





Comments