top of page

Balik-It’s Showtime na after ng bakasyon-grande… VICE, TODO-FLEX NA MAY BOOBS NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | April 20, 2026



BULGARY - VICE, TODO-FLEX NA MAY BOOBS NA-YT GMA Network

Photo: YT / GMA



Bumalik na si Vice Ganda sa It’s Showtime (IS) nu’ng Sabado, April 18, na ibang-iba na ang aura.


Mapapansing may nabago sa kanyang katawan at iyon ay ang pagpapalagay niya ng boobs na hindi malaman kung retoke o ipinatong lang.


May isang buwan ding hindi  napanood ang Unkabogable Phenomenal Superstar sa noontime show ng ABS-CBN. Kaya nang lumitaw siya sa entablado ay nakapang-lady OOTD (outfit of the day) si Vice na bagay na bagay sa kanya.


Naka-polka dots blouse siya with long skirt na tila sirena ang tabas. Ito ang iconic character niya bilang girlie sa 2013 film niyang Girl, Boy, Bakla, Tomboy (GBBT).


Sabi nga ni Vice na naglululundag pa para ipakita sa madlang pipol ang matibay na enhancement ng kanyang boobs, “Si Ion nga, nagtatanong, ‘Hanggang kailan ka magiging ganyan?’” kaya nagtawanan ang mga hosts at madlang pipol.





Magsasama sa isang proyekto sina Shaina Magdayao at JM de Guzman.

Lubos ang tuwa sa puso ng aktor dahil matagal na raw niyang pangarap na makatrabaho ang aktres.


Naka-work na rin naman daw niya si Shaina, pero iyon ay noong mga bata pa sila sa Ang TV 2. Ngayon ay iba na raw dahil leading lady na ni JM ang aktres.


Isang larawan ang ipinost ni JM at nilagyan niya ito ng caption: “Bata pa lang ako, magkasama kami sa Ang TV 2, pangarap ko nang maging leading lady si Ms. @shaina_magdayao,” pagbubulgar niya.


Nagbiro pa siya na alam niyang marami pang ‘boys and actors’ ang siguradong makaka-relate sa kanyang childhood dream.


Agad namang sumagot si Shaina sa post ni JM. Aniya, “We’ve only begun.”

Tinawag pa niya si JM na kanyang ‘mahal na kapatid’ na naging ‘leading man’.


Napakatalinghaga pa ng komento ni Shaina, “Napakadali at kasiya-siya ng trabaho dahil sa iyong pagkabukas-palad bilang aking katuwang sa eksena.”


Tinapos niya ang kanyang mensahe sa isang masiglang, “Salamat. Salamat 100 at kakasimula pa lang natin. Woot, woot!”


Sagot naman ni JM, “Salamat, ate. Nagpapasalamat at pinagpalang walang bola. Salamat, salamat, salamat.”


Ang pag-uusap ng dalawa ay nagparamdam sa mga netizens ng kanilang tunay na respeto sa isa’t isa.


Mula sa pagiging child star sa iisang palabas hanggang sa pagiging partners, sina Shaina Magdayao at JM de Guzman ay patunay na ang pangarap ay matutupad pagdating ng panahon.





Sama-sama sa isang event…

KIM AT ANGELICA, DINEDMA RAW NI JANINE, SI PAULO LANG ANG KINAWAYAN AT BINATI



BAKIT kaya laging ginagawan ng isyu ang nananahimik na si Janine Gutierrez?

May nagpapakalat na dinedma raw ng aktres ang magkaibigang Kim Chiu at

Angelica Panganiban sa Prime Video event kamakailan at tanging si Paulo Avelino lang daw na ex-BF ng aktres ang binati at kinawayan nito.


Sabi nga ng mga netizens, “Mga vloggers talaga, may mai-content sa expense ng celebrities.”

Siyempre, may nagtanggol sa aktres. 


Sey ng mga fans, “‘Di totoo ‘yan. Ilang beses kong nakasama sa mga events ‘yan, napakabait n’yan. ‘Pag inggit, pikit, at ‘pag ayaw mo sa tao, ayaw mo talaga. Kasi may bias.”


“‘Yan talaga, mga ibang KPF (Kapamilya fans), gagawa at gagawa ng ikasisira ni Janine. Si Lord na bahala sa kanila.”


“I think it’s not Janine’s character. She is very grounded like her mom. She seems very happy and comfortable. Only bitter people will do that.”


“Ang taong mahilig makinig sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili. Wala ka ru’n, ‘di nakita ng dalawang mata mo, ‘wag kang magkalat ng fake news. Pang-9 sa 10 utos, ‘wag kang magsasabi ng ‘di totoo laban sa iyong kapwa. Kasalanan ang ginagawa ninyo.”

“Fake news.”


“‘Wag kang gumawa o mag-imbento ng kung anu-anong kaek-ekan. Damn you. ‘Wag mang-intriga.”


Wala pang pahayag sina Kim Chiu at Janine Gutierrez tungkol sa isyung ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page