top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Balik-eskwela sa mga lugar na tinamaan ng lindol, tuloy pa rin

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 3, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | August 3, 2022


Hindi ililipat ang pagbubukas ng klase sa mga lugar na apektado ng magnitude 7 na lindol sa northern Luzon.


Naninindigan ang Department of Education (DepEd) na magpapatuloy ang pagbabalik-eskwela sa Agosto 22, habang tinitingnan pa ang ibang paraan ng mga pagtuturo.


Ayon sa tagapagsalita ng DepEd, isa sa mga paraan ng pagtuturo ang paggamit ng modules, gayundin ang blended learning at shifting ng mga klase.


Gayunman, sa ngayon ay naghahanap na ang ahensya ng temporary learning spaces.

Samantala, base sa datos ng DepEd, umabot sa 263 paaralan ang napinsala ng lindol, kung saan 152 rito ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR) kung nasaan ang Abra na epicenter ng lindol.


Bukod pa rito, nakapagtala rin ng pinsala ang ilang rehiyon kabilang ang Ilocos Region, 59; Cagayan Valley, 29; Central Luzon, 21; Calabarzon, 1; at National Capital Region, 1.

Ayon sa DepEd, tinatayang aabot sa P1.4 bilyon ang kailangan sa pagkumpuni ng mga nasirang paaralan.


Sa gitna ng pandemya at iba pang kalamidad, malaking bagay na kaya pa rin nating itaguyod ang edukasyon. ‘Ika nga, ‘di tayo papadaig dahil anumang pagsubok ‘yan, kaya nating hanapan ng solusyon.


Sa nalalapit na pagbabalik-eskwela ngayong buwan, batid nating paspasan na ang paghahanda ng pamahalaan, gayundin ang mga guro at mag-aaral.


Pero bago ang lahat, sana’y dumaan sa masusing inspeksyon ang mga naapektuhang paaralan upang matiyak na ligtas itong gamitin.


Nauunawaan natin ang kagustuhan ng pamahalaan na maipagpatuloy ang mga plano para sa edukasyon ng kabataan, pero sana’y kasama sa mga planong ito ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page