top of page
WINNER - 200 EMPLEYADO NG ABS-CBN, TATANGGALIN-ABS CBN.jpg

Bala, tumagos pa sa palad ng range officer... 25-anyos nagbaril sa dibdib sa firing range, todas

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 31
1 min read

ni Gina Pleñago @News | July 31, 2026



bomb threat sa DOJ - Pasay City Police

Photo: File



Tinarget ang sariling dibdib ng isang lalaki habang nasa practice shooting sa firing range sa Makati City, Miyerkules ng hapon.


Ang biktimang si alyas Kian, 25, ay isinugod sa Makati Medical Center subalit hindi na ito umabot nang buhay.


Base sa ulat ng Makati City Police Station, alas-4:52 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Armscor Shooting Center, Inc, sa Makati Cinema Square, Chino Roces Avenue.


Batay sa imbestigasyon, dumating ang biktima sa nasabing establisimyento alas-4:32 ng hapon at nagparehistro para sa practice shooting at naghintay sa loob ng 20 minuto sa waiting area.


Nang sumalang na sa shooting range na inasistehan ni range officer Venancio Magdaraog Jr. ay nakapagpaputok pa ng ilang ulit, nang biglang ipinutok ito sa sariling dibdib habang nakahawak sa balikat niya ang range officer.


Tumagos pa sa palad ng range officer ang balang ipinutok sa kanang dibdib ng biktima.

Sa pagresponde ng Bureau of Fire Protection Medical Team na pinangunahan ni SFO1 Lay Diane Layson, sinubukan muna ang CPR subalit unresponsive pa rin ang nakatihayang biktima kaya agad dinala sa ospital, kung saan idineklarang wala ng buhay ng alas-6 ng gabi.


Sa pagproseso ng SOCO sa crime scene, isang kalibre 9MM na may 2 bala ang narekober.


Marami umanong suicide notes na nakuha sa bag ng biktima na naka-address sa iba’t ibang pangalan, na may mga ibinibilin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page