Bakuna na ituturok kay P-Digong, dapat kapareho sa ibabakuna sa taumbayan!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 11, 2021
IBINIDA NI DUQUE ANG TAGUMPAY NG ‘PINAS SA LABAN SA COVID-19—Sa mga gobyerno ng bawat bansa sa mundo, tanging ang Duterte gov’t. lang ang mahilig ikumpara ang Pilipinas sa ibang bansa kung paglaban sa COVID-19 ang pag-uusapan.
Sa meeting ng IATF (Inter-Agency Task Force) ay ibinida ni Health Sec. Francisco Duque III na tagumpay daw ang laban ng Pilipinas sa COVID-19, at pagkaraan ay mistulang inismol ang ibang bansa kasi ang dami pa rind aw ang nagkaka-virus at namamatay, buwisit!
◘◘◘
UNFAIR KUNG SINOVAC ANG ITUTUROK SA TAXPAYERS, TAPOS PFIZER O ASTRAZENECA ANG IBABAKUNA SA PANGULO—Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, dalawang bakuna ang pinagpipilian ng mga doktor ni P-Duterte na, kung hindi Pfizer na gawang Amerika, malamang ay AstraZeneca na gawang Europe.
Sana, ganyan (Pfizer at AstraZeneca) na rin ang angkatin ng pamahalaan na panturok sa mamamayang Pinoy kasi unfair sa taumbayan na gawang Amerika o gawang Europe ang ibabakuna sa pangulo, tapos ang ituturok sa mga taxpayers ay made-in-China na Sinovac, period!





Comments